Wikang pambansa, opisyal, at panturo

Cards (12)

  • Konseptong Pangwika
    • Pambansa
    • Opisyal
    • Panturo
  • Ito ay kumakatawan sa pambansang pagkakakilanlan ng isang nasyon at ito rin ang wikang nagbubuklod sa mga mamamayan.
    Wikang pambansa
  • Artikulo XIV, Seksiyon 6 ng Konstitusyon ng 1987 - "Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Samantalang nililinang ito ay dapat payabungin at pagyamanin sa salig ng umiiral na wika sa Pilipinas at sa iba pang wika".
  • 8 Pangunahing wika sa bansa
    • Ilokano
    • Hiligaynon
    • Bikol
    • Tagalog
    • Cebuano
    • Waray
    • Kapangpangan
    • Pangasinense
  • Ayon sa Surian ng Wikang Pambansa ang wikang pipiliin
    ay dapat
    • wika ang sentro ng pamahalaan;
    • wika ang sentro ng edukasyon;
    • wika ang sentro ng kalakalan; at
    • wika ang pinakamarami at pinakadakilang nasusulat na panitikan.
  • Ang wikang ginagamit sa halos lahat ng opisyal na transaksiyon ng pamahalaan. Ito ang wikang maaaring gamitin sa anumang uri ng komunikasyon, lalo na sa anyong nakasulat sa loob at labas ng alinmang sangay o ahensiya ng gobyerno.
    Wikang opisyal
  • Ayon kay Virgilio Almario ang wikang opisyal ay itinadhana ng batas na maging wikang sa opisyal na talastasan ng pamahalaan.
  • Artikulo 7IV, Seksiyon 6 ng Konstitusyon ng 1987 - "Ukol sa mga layunin ng komunikasyon at pagtuturo, ang mga wikang opisyal ng Pilipinas ay Filipino, at hangga't walang ibang itinatadhana ang batas, Ingles".
  • Masasabing Opisyal na wika ang Filipino kung ito ay ginagamit sa:
    • deliberasyon sa lehislatura at pagsulat ng mga batas;
    • pag-isyu ng mga deskrito at kautusang ehekutibo;
    • pormulasyon ng mga pambansang patakaran; at
    • paghahanda ng mga impormasyong pampubliko kaugnay ng mga opisyal na programa ng gobyerno.
  • Masasabing Opisyal na wika ang Filipino kung ito ay ginagamit sa:
    • pagsulat ng memorandum at iba pang komunikasyon;
    • mga opisyal na form at/o dokumento (lisensiya, sertipiko, pasaporte at iba pa)
    • mga tungkulin at gawain ng estado;
    • pagdaraos ng mga paglilitis at pagpapasiya ng hukuman;
  • Ito ang wikang ginagamit sa pagtuturo at pag-aaral sa paaralan at ang wika sa pagsulat ng mga aklat at kagamitang panturo sa silid-aralan.
    Wikang panturo
  • Saligang Batas, Artikulo XIV, Seksiyon 6 - "Alinsunod sa tadhana ng batas at sang-ayon sa nararapat na maaaring ipasya ng Kongreso, dapat magsagawa ng mga hakbangin ang pamahalaan upang ibunsod at puspusang itaguyod ang paggamit ng Filipino bilang midyum ng opisyal na komunikasyon at bilang wika ng pagtuturo sa sistema ng edukasyon".