Panahon ng Amerikano

Cards (14)

  • Dumating ang mga Amerikano sa lungsod
    ng Maynila.
    Agosto 13, 1898
  • Nailipat ang pamamahala ng Pilipinas mula Espanya tungo sa Estados Unidos.
    Abril 11, 1899
    • magandang posisyon ng Pilipinas bilang base sa militar
    • lugar na pinagkukuhanan ng likas na yaman
    • bagsakan ng mga sobrang produkto
    • Edukasyon
    Mga motibo sa pananakop ng mga Amerikano sa Pilipinas
  • Komisyon ng Batas Blg. 74
    (Marso 21, 1901) : nagtatag ng mga paaralang pambayan at nagpahayag ng INGLES ang gagawing wikang panturo.
  • Ang komisyong pinangunahan ni Jacob Schurman ay naniwalang kailangan ng Ingles sa edukasyong primarya.
    • Bumuo ng isang lupon, na ang layunin ay ang pagtatatag ng pamahalaang sibil sa bansa.
    • Ang dami ng wika ay pangunahing sagabal sa pag-unlad ng bansa kaya itinuro nila ang wikang Ingles.
    • Sa panahong ito idinagdag ang wikang Ingles sa Espanyol bilang wikang Opisyal.
    William McKinley
    • Artikulo ukol sa Tagalog (Disyembre 1902)
    ...hindi lamang isang dantan o mahigit pa ang kailangan bago maging
    bernakular ang Ingles sapagkat ito ay hindi wika sa tahanan. Kaya
    lumitaw na ang kailangang pagyamanin ay ang wikang Pilipino sa
    pamamagitan ng pagsama sa pitong wika upang maging panlahat”
    David J. Doherty (lingguwista)
  • 1923
    Sa obserbasyon nina Propesor Nelson at Dean Fansler maging ang mga kumukuha ng mataas na edukasyon ay nahihirapan sa paggamit ng wikang Ingles.
  • 1923
    Ang Bise Gobernador-Heneral George Butter na siyang kalihim ng Pambayang Pagtuturo, ay nagpahayag ng paggamit ng bernakular sa pagtuturo sa unang apat na taon ng pag-aaral. Ayon din sa kaniya, hindi kailanman magiging wikang pambansa ng mga Pilipino ang Ingles sapagkat hindi ito ang wika ng tahanan.
  • Itinatag ang Akademya ng Wikang Pilipino
    Abril 12,1909
  • 1934
    Nagkaroon ng mainit na usapan sa Kumbensyong Konstitusyonal hinggil sa wikang pambansa.
  • Naitatag ayon sa inilabas na Batas Komonwelt Blg. 184 ;ang Surian ng
    Wikang Pambansa na mayroong sumusunod na layunin:
    • Gumawa ng mga pag-aaral sa wika ng Pilipinas
    • Humubog at magpatibay ng iisang wikang pamabnsa mula sa mga umiiral na wika
    • Bigyang halaga ang wikang pinakamaunlad, at ito ay gamitin.
    Nobyembre 19, 1936
  • 1937
    Iminungkahi ni Lope K. Santos na ang wikang pambansa ay dapat ibatay sa isa sa mga umiiral na wika sa Pilipinas.
  • Ipinalabas ni Pangulong Manuel Quezon ang Kautusang Tagapagpaganap Blg. 134 na nag-aatas na Tagalog ang magiging batayan ng wikang gagamitin sa pagbuo ng wikang pambansa