Cards (16)

  • Ano ang mga salitang nagpapakita ng relasyon ng dalawang yunit sa pangungusap; maaaring salita, dalawang parirala, o ng dalawang sugnay?
    Pang-ugnay
  • Ano ang tatlong uri ng pang-ugnay?
    Pang-angkop (Ligature), Pang-ukol (Preposition), Pangatnig (Conjunction)
  • Ang Pang-angkop ay tagapag-ugnay ng dalawang salita na karaniwan ay panuring at salitang tinuturingan. Ito ay ang "na", "ng", "g".
  • Ano ang kataga, salita, o pariralang nag-uugnay ng isang pangngalan sa iba pang salita sa pangungusap?
    Pang-ukol
  • Dalawang pangkat ng Pangukol ay:
    1. Ginagamit sa Pangngalang Pambalana: ukol sa, laban sa, hinggil sa, ayon sa, tungkol sa, para sa.
    2. Ginagamit sa ngalan ng Tanging Tao: ukol kay, laban kay, para kay, tungkol kay, ayon kay, hinggil kay.
  • Pangatnig o Conjunction sa wikang ingles ay isang kataga o salita na nag-uugnay sa dalawang salita, parirala, sugnay, o pangungusap.
  • Mga Uri ng Pangatnig:
    1. Pangatnig na Pamukod
    2. Pangatnig na Panubali
    3. Pangatnig na Paninsay
    4. Pangatnig na Pananhi
    5. Pangatnig na Panapos
    6. Pangatnig na Panlinaw
    7. Pangatnig na Panimbang
    8. Pangatnig na Pamanggit
    9. Pangatnig na Panulad
  • Anong uri ng pangatnig na ginagamit sa pagbukod o pagtatangi?
    Pangatnig na Pamukod
  • Anong uri ng pangatnig ang nagsasabi ng pag-aalinlangan?
    Pangatnig na Panubali
  • Anong uri ng pangatnig ang ginagamit kapag sinasalungat ng unang bahagi ng pangungusap ang ikalawang bahagi nito?
    Pangatnig na Paninsay
  • Anong uri ng pangatnig ang nagbibigay ng dahilan o katuwiran para sa pagkaganap ng kilos?
    Pangatnig na Pananhi
  • Anong uri ng pangatnig ang nagsasabi ng nalalapit na katapusan ng pagsasalita?
    Pangatnig na Panapos
  • Anong uri ng pangatnig ang ginagamit upang ipaliwanag ang bahagi o kabuuan ng isang banggit?
    Pangatnig na Panlinaw
  • Anong uri ng pangatnig ang ginagamit sa paghahayag ng karagdagang impormasyon at kaisipan?
    Pangatnig na Panimbang
  • Anong uri ng pangatnig ang gumagaya o nasasabi lamang ng iba?
    Pangatnig na Pamanggit
  • Anong uri ng pangatnig ang tumutulad ng mga pangyayari o gawa?
    Pangatnig na Panulad