Cards (14)

  • Ano ang bahagi ng pananalitang nagsasaad ng kilos o galaw; binubuo ng salitang-ugat at ng isa o higit pang panlapi?
    Pandiwa
  • Dalawang Uri ng Pandiwa:
    • Palipat
    • Katawanin
  • Tuwirang Layon ay ang pangngalan o panghalip na tumatanggap sa kilos ng pandiwa.
  • Di-Tuwirang Layon ay ang pangngalan o panghalip na pinaglalaanan ng kilos at sumasagot sa tanong na "para kanino?".
  • Tagatanggap ay ang tumatanggap ng kilos na ginawa ng tagaganap.
  • Ano ang tawag sa gumagawa ng kilos?
    Tagaganap
  • Palipat ay kung may tuwirang layong tumatanggap sa kilos.
  • Tips: ang palipat ay naaayon sa sumusunod.
    Pandiwa - sino ang gumawa ng pandiwa - ano ang ginawa.
  • Katawanin ay buo ang kahulugan at hindi na nangangailangan ng tatanggap ng kilos (tuwirang layon).
  • Aspekto ng Pandiwa:
    • Perpektibo
    • Perpektibong Katatapos
    • Imperpektibo
    • Kontemplatibo
  • Perpektibo ay nagsasaad na tapos na o nangyari na ang kilos.
  • Ano ang Antas ng Pandiwa na nagsasaad ang kilos ay katatapos pa lang gawin o mangyari?
    Perpektibong Katatapos
  • Imperpektibo ay nagsasaad na ang kilos ay kasulukuyang nangyayari o kaya'y patuloy na nangyayari.
  • Kontemplatibo ay nagsasaad na ang kilos ay hindi pa isinasagawa o gagawin pa lamang.