Ang Pakikipagtalastasan ay isinasagawa natin sa araw-araw; nakapagpapaabot tayo sa iba ng mga impormasyon, kaisipan, pananaw, opinyon, reaksiyon, damdamin, at iba pa.
Ano ang pasalitang pakikipagtalastasan; karaniwang isinasagawa nang harapan at sa telepono?
Berbal
Ang Di-berbal na komunikasyon ay mga bagay na isinasagawa natin na nagpapaabot ng mensahe kahit hindi natin binibigkas.
Komunikasyong Di-berbal:
Kinesika - ito ay ang paggamit ng bahagi ng katawan sa pakikipagkomunikasyon; lenggwahe ng bahagi ng katawan
Proksemika - ito ang katawagang nangangahulugang pag-aaral ng komunikatibong gamit ng distansya
Kronemika - may kaugnayan sa oras
Haptik - ito ay ang paghawak ng isang tao o ang paggamit ng sense of touch
Bokaliks - tinutukoy nito ang tono ng tinig, pagbigkas ng mga salita, o bilis ng pagsasalita
Aykoniks - mga simbolo na nakikita sa ating paligid
Olpatoriks - amoy bilang isa sa mga di-berbal na mensahe
Kulay - ay nagpapakita rin ng komunikasyong di-berbal
Ano ang uri ng komunikasyon na kinabibilangan ng liham, e-mail, SMS, o short messaging system na lalong kilala bilang text messager gayundin ang mga mensaheng ipinadadala naitn sa pamamagitan ng mga social networking site?