Q1

Subdecks (6)

Cards (66)

  • LIPUNAN
    Isang pangkat ng tao na sama-samang naninirahan sa isang organisadong komunidad na may iisang batas, tradisyon at pagpapahalaga.
  • Ano ang pinagmulan ng salitang KOMUNIDAD?

    Galing ito sa Latin na “communis” na nangangahulugang common o nagkakapareho.
  • Ano ang binubuo ng isang komunidad?
    Ang isang komunidad ay binubuo ng mga indibidwal na nagkakapareho ng mga interes, ugali o pagpapahalaga sa isang partikular na lugar.
  • Ano ang sinabi ni St. Tomas Aquinas tungkol sa lipunan?
    Ayon sa , sa pamamagitan lamang ng lipunan makakamit ng tao ang layunin ng kanyang pagkakalikha.
  • Paano nakakaapekto ang lipunan sa pagkatao ng isang indibidwal?
    Malaki ang nagagawa ng lipunan sa paghubog ng pagkatao ng isang indibidwal, mayroon itong impluwensya sa kanyang pag-iisip at pagkilos.
  • Ano ang mga pagkakataon na naipapakita ng tao ang pagmamalasakit sa lipunan?
    Sa lipunan nagkakaroon ang tao ng pagkakataong maipakita ang pagmamalasakit, ang tumulong at matulungan sa panahon ng pangangailangan.
  • Ano ang kabutihang panlahat?
    Kabutihan para sa bawat indibidwal na kasapi ng lipunan.
  • Ano ang layunin ng kabutihang panlahat?
    Ang tunguhin ay hindi ang kabutihan para sa isa o iilang komunidad kundi ang kabutihan ng buong lipunan.
  • Ano ang tatlong elemento ng kabutihang panlahat?
    • Ang paggalang sa indibidwal na tao
    • Ang tawag ng katarungan o kapakanang panlipunan ng pangkat
    • Ang kapayapaan
  • Ano ang mga hadlang sa pagkamit ng kabutihang panlahat?

    1. Nakikinabang lamang sa benepisyong hatid ng kabutihang panlahat subalit, tinatanggihan ang bahaging dapat gampanan upang mag-ambag sa pagkamit nito. 2. Ang Indibidwalismo o ang paggawa ng tao ng kanyang personal na naisip. 3. Ang pakiramdam na siya ay nalalamangan o mas Malaki ang naiaambag nya kaysa sa nagawa ng iba.
  • Ano ang dapat tandaan tungkol sa kabutihang panlahat?
    Hindi namimili ng edad o antas sa buhay ang pagtiyak na mananaig ang kabutihang panlahat; ito ay nakabatay sa iyong puso at pagmamalasakit sa iyong kapwa.