Ang mga misyonerog Kastila mismo ang nag-aaral ng mga wikang katutubo sa Pilipinas. Ayon sa kanila, may magandang epekto ito sa kanila. Una, mas madaling matutuhan ng misyonero ang wika ng isang rehiyon kaysa ituro sa lahat o kahit ilan lamang sa taong bayan ang Espanyol. Ikalawa higit, na magiging kapani-paniwala at mabisa kung ang isang banyaga ay nagsasalita ng katutubong wika.