Uri ng Pagkonsumo

Cards (52)

  • Ano ang tuwirang relasyon na binanggit ni Amartaya Sen sa kanyang akda tungkol sa kita at pagkonsumo ng pagkain?
    May tuwirang relasyon ang kita at pagkonsumo sa pagkain.
  • Bakit itinuturing na pangunahing pangangailangan ang pagkain sa buong mundo?

    Dahil ito ang pangunahing pangangailangan ng buong mundo, may world food problem na patuloy na lumalala.
  • Ano ang pangunahing layunin ng produksyon ayon kay Adam Smith?
    Ang pangunahing layunin ng produksyon ay ang pagkonsumo ng mga tao.
  • Ano ang ibig sabihin ng pagkonsumo?
    Pagbili o paggamit ng mga produkto o serbisyo upang matugunan ang pangangailangan ng tao.
  • Paano malalaman kung may kasiyahan ang mamimili sa pagkonsumo ng produkto?
    Kapag patuloy pa rin siya sa paggamit ng nasabing bagay.
  • Ano ang pagkakaiba ng pagkonsumo ng mamimili at bahay-kalakal?
    Pagkonsumo ng mamimili ay direct consumption, habang pagkonsumo ng bahay-kalakal ay indirect consumption.
  • Ano ang mga uri ng pagkonsumo?
    1. PRODUKTIBO – Pagbili ng produkto upang makalikha ng iba pang produkto.
    2. TUWIRAN – Nakatamo ng indibidwal ang kasiyahan sa pagbili at paggamit ng produkto at serbisyo.
    3. MAPANGANIB – Pagbili at paggamit ng produkto na maaaring makapinsala sa kalusugan.
    4. MAAKSAYA – Pagbili ng mga produkto na hindi direktang tumutugon sa pangangailangan.
  • Ano ang epekto ng pagbabago ng presyo sa pagkonsumo?
    Mataas ang pagkonsumo kung mababa ang presyo, at mababa ang pagkonsumo kung mataas ang presyo.
  • Ano ang sinasabi ni John Meynard Keynes tungkol sa kita at pagkonsumo?

    Habang lumalaki ang kita ng tao, lumalaki rin ang kanyang kakayahan na kumonsumo ng produkto at serbisyo.
  • Paano nakakaapekto ang mga inaasahan sa pagkonsumo?

    Tataas ang pagkonsumo kung may inaasahan na kakulangan sa suplay ng mga produkto.
  • Ano ang epekto ng pagkakautang sa pagkonsumo?

    Kapag maraming obligasyon, kumukunti ang pagkonsumo; tumataas naman ito kapag kaunti lamang ang binabayarang utang.
  • Ano ang demonstration effect sa pagkonsumo?
    Madaling maimpluwensiyahan ang tao ng mga anunsiyo sa media na nakakaapekto sa kanilang pagkonsumo.
  • Ano ang mga pamantayan sa pamimili?
    • Hindi nagpapanic-buying
    • Hindi nagpapadala sa anunsiyo
    • Mapnuri
    • May alternatibo
    • Makatwiran
    • Sumusunod sa badyet
    • Hindi nagpapadaya
  • Ano ang layunin ng pag-aanunsyo sa pagkonsumo?
    Pagbibigay impormasyon upang hikayatin ang mga tao na tangkilikin ang isang produkto at serbisyo.
  • Ano ang mga uri ng pag-aanunsyo?
    • TESTIMONIAL – Kilalang personalidad ang nag-eendorso ng produkto.
    • BRAND NAME – Pagpapakilala ng produkto batay sa katangian at kabutihan nito.
    • BANDWAGON – Pagpapakita ng dami ng taong tumatangkilik sa isang produkto.
  • Ano ang epekto ng paggagaya sa pagkonsumo?
    Ang pagbili ng produkto o serbisyo na nakita mula sa iba ay nakakaapekto sa pagkonsumo.
  • Paano nakakaapekto ang pagpapahalaga ng tao sa pagkonsumo?
    Ang pagpapahalaga ay nagbibigay prioridad kung alin ang higit na kailangan.
  • Ano ang epekto ng okasyon sa pagkonsumo?
    Tumataas ang pagkonsumo ng tao sa bawat okasyon na dumaraan sa kanyang buhay.
  • Paano naaapektuhan ng presyo ang pagkonsumo?
    Inaayon ng konsyumer ang kanyang budget ayon sa kakayahan niyang bilhin ang produkto.
  • Ano ang mga kaugalian at kulturang Pilipino na nakakaimpluwensya sa pagkonsumo?
    • REHIYONALISMO
    • KAISPANG KOLONYAL
    • PAKIKISAMA
    • PAGTANAW NG UTANG NA LOOB
  • Ano ang mga batas ng pagkonsumo?
    1. LAW OF VARIETY – Higit ang kasiyahan sa paggamit ng iba't-ibang klase ng produkto.
    2. LAW OF HARMONY – Kumukonsumo ng magkakomplimentaryong produkto.
    3. LAW OF IMITATION – Nasisiyahan ang tao kapag nagagaya niya ang ibang tao.
    4. LAW OF ECONOMIC ORDER – Higit ang kasiyahang natatamo kapag natutugunan ang pangngailangan.
  • Ano ang gampanin ng konsyumer?
    • Mga taong bumibili at gumagamit ng mga produkto at serbisyo.
    • Nakabatay ang produktong gagawin ng prodyuser sa kanila.
    • Ang puwersa ng mga konsyumer ang dahilan ng paggawa ng mga dekalidad na produkto.
  • Ano ang mga karapatan ng mga mamimili/konsyumer?
    1. Karapatan sa mga pangunahing pangangailangan
    2. Karapatan sa Kaligtasan
    3. Karapatan sa Patalastasan
    4. Karapatang Pumili
    5. Karapatang Dinggin
    6. Karapatang Bayaran at Tumbasan sa ano mang Kapinsalaan
    7. Karapatan sa Pagtuturo Tungkol sa Pagiging Matalinong Mamimili
    8. Karapatan sa Isang Malinis na Kapaligiran
  • Ano ang mga pananagutan ng mamimili?
    1. MAPANURING KAMALAYAN – Tungkuling maging listo at mausisa.
    2. PAGKILOS – Tungkuling maipahayag ang ating sarili.
    3. PAGMAMALASAKIT SA PANLIPUNAN – Tungkuling alamin ang epekto ng ating pagkonsumo.
    4. KAMALAYAN SA KAPALIGIRAN – Tungkuling mabatid ang kahihinatnan ng ating kapaligiran.
    5. PAGKAKAISA – Tungkuling magtatag ng samahang mamimili.
  • Ano ang tungkulin ng konsyumer?
    1. Pagiging mulat, mapagmasid, at alerto.
    2. Pagtangkilik sa Sariling Produkto.
    3. Pagkakaisa.
    4. Pagkilos at pagbabanta.
  • Ano ang tungkulin ng pagkilos sa mga mamimili?
    Ang tungkulin ng pagkilos ay maipahayag ang ating sarili at kumilos upang makatiyak sa makatarungang pakikitungo.
  • Ano ang maaaring mangyari kung tayo ay mananatili at magwawalang-bahala sa mga mandarayang mangangalakal?

    Patuloy tayong pagsamantalahan ng mga mandarayang mangangalakal.
  • Ano ang tungkulin ng pagmamalasakit sa panlipunan?
    Ang tungkulin ng pagmamalasakit sa panlipunan ay alamin ang epekto ng ating pagkonsumo sa ibang mamamayan.
  • Bakit mahalaga ang kamalayan sa kapaligiran sa mga mamimili?
    Mahalaga ito upang mabatid ang kahihinatnan ng ating kapaligiran bunga ng hindi wastong pagkonsumo.
  • Ano ang dapat gawin upang pangalagaan ang ating likas na kayamanan?
    Kailangang pangalagaan natin ang ating likas na kayamanan para sa ating kinabukasan.
  • Ano ang mga tungkulin ng konsyumer?
    • Pagiging mulat, mapagmasid, at alerto
    • Pagtangkilik sa Sariling Produkto
    • Pagkakaisa
    • Pagkilos at pagbabantay sa pagpapatupad ng tamang presyo
    • Pangangalaga sa Kapaligiran
  • Ano ang Consumer Act of the Philippines (R.A. 7394)?
    Isinabatas ito noong 15 Hulyo 1992 upang maprotektahan ang interes at kapakanan ng mga konsyumer.
  • Ano ang pangunahing layunin ng Consumer Act of the Philippines?
    Ang pangunahing layunin ay makapagtakda ng mga pamantayan para sa pakikipagkalakalan at mga industriya.
  • Ano ang mga pangunahing aspeto na binibigyang-pansin ng Consumer Act of the Philippines?
    Kaligtasan ng mga mamimili, proteksyon laban sa mapanlinlang na gawain, pagkakataong madinig ang reklamo, at representasyon ng mga samahan ng mamimili.
  • Ano ang layunin ng Batas Price Tag?

    Ang layunin ay magtakda ng price tag o label ng presyo sa mga produkto at serbisyo.
  • Ano ang ipinagbabawal ng Batas Republika Blg. 3740?

    Ipinagbabawal nito ang pag-aanunsiyo ng mga pekeng produkto at serbisyo.
  • Ano ang layunin ng Artikulo 188 at 189 ng Binagong Kodigo Penal?
    Ang layunin ay bigyan ng parusa ang sinumang gagamit ng tatak o lalagyan ng ibang produkto.
  • Ano ang pananagutan ng mga prodyuser ayon sa Artikulo 2187 ng Kodigo Sibil ng Pilipinas?

    May pananagutan ang mga prodyuser sa mga produktong nakakapinsala sa kalusugan ng mga mamimili.
  • Ano ang ipinag-uutos ng Artikulo 1546 ng Kodigo Sibil ng Pilipinas?
    Ipinag-uutos na ang sira, depekto, at pinsala ng produkto ay hindi dapat itago sa mga mamimili.
  • Ano ang layunin ng Batas Republika Blg. 7581 (Price Act)?

    Layunin nitong magarantiyahan ang suplay ng mga pangunahing pangangailangan at protektahan ang mga mamimili laban sa di-makatarungang pagtaas ng presyo.