PAGBASA L2

Cards (41)

  • Ano ang tekstong naratibo?
    Ang tekstong naratibo ay pagsasalaysay o pagkukuwento ng mga pangyayari sa isang tao o mga tauhan.
  • Ano ang pangunahing layunin ng tekstong naratibo?
    Ang pangunahing layunin ng tekstong naratibo ay makapagsalaysay ng mga pangyayaring nakapanlilibang o nakapagbibigay-aliw.
  • Ano ang mga aral na maaaring ituro ng tekstong naratibo?
    Ang tekstong naratibo ay nakapagtuturo ng kabutihang asal at mahahalagang aral tulad ng pagiging mabuti at tapat.
  • Ano ang mga halimbawa ng iba't ibang uri ng naratibo?
    Ang mga halimbawa ng naratibo ay maikling kuwento, nobela, kuwentong-bayan, mitolohiya, at alamat.
  • Paano isinasama ng manunulat ang mga mambabasa sa tekstong naratibo?

    Isinasama ng manunulat ang mga mambabasa sa tekstong naratibo sa pamamagitan ng paglikha ng mga pangyayaring sinasalaysay.
  • Anong pananaw ang karaniwang ginagamit sa tekstong naratibo?
    Ang karaniwang pananaw na ginagamit sa tekstong naratibo ay ang unang at ikatlong panauhan.
  • Ano ang ibig sabihin ng unang panauhan sa tekstong naratibo?
    Sa unang panauhan, isa sa mga tauhan ang nagsasalaysay ng mga bagay na kanyang nararanasan.
  • Ano ang ikalawang panauhan sa tekstong naratibo?
    Sa ikalawang panauhan, mistulang kinakausap ng manunulat ang tauhang pinagagalaw niya sa kuwento.
  • Ano ang ikatlong panauhan sa tekstong naratibo?
    Sa ikatlong panauhan, ang mga pangyayari ay isinasalaysay ng isang taong walang relasyon sa tauhan.
  • Ano ang maladiyos na panauhan?
    Ang maladiyos na panauhan ay nababatid ang galaw at iniisip ng lahat ng mga tauhan.
  • Ano ang limitadong panauhan?
    Ang limitadong panauhan ay nababatid ang iniisip at ikinikilos ng isa sa mga tauhan, ngunit hindi ang sa iba.
  • Ano ang tagapag-obserbang panauhan?
    Ang tagapag-obserbang panauhan ay hindi nababatid ang nilalaman ng isip at damdamin ng mga tauhan.
  • Ano ang kombinasyong pananaw o paningin?
    Ang kombinasyong pananaw o paningin ay gumagamit ng iba't ibang tagapagsalaysay sa pagsasalaysay.
  • Ano ang tuwirang pagpapahayag sa tekstong naratibo?
    Sa tuwirang pagpapahayag, ang tauhan ay direkta o tuwirang nagsasaad ng kanyang dayalogo, saloobin, o damdamin.
  • Ano ang di tuwirang pagpapahayag sa tekstong naratibo?
    Sa di tuwirang pagpapahayag, ang tagapagsalaysay ang naglalahad sa sinasabi, iniisip, o nararamdaman ng tauhan.
  • Ano ang mga elemento ng tekstong naratibo?
    • Tauhan
    • Tagpuan
    • Pangyayari
    • Tema
    • Mensahe
  • Ano ang papel ng tauhan sa tekstong naratibo?
    Ang tauhan ay nagtataglay ng mga katangian na nagpapagalaw sa kwento.
  • Ano ang dalawang paraan ng pagpapakilala ng tauhan?
    Ang dalawang paraan ng pagpapakilala ng tauhan ay expository at dramatiko.
  • Ano ang expository na pagpapakilala ng tauhan?
    Ang expository na pagpapakilala ay kung ang tagapagsalaysay ang magpapakilala o maglalarawan sa pagkatao ng tauhan.
  • Ano ang dramatiko na pagpapakilala ng tauhan?
    Ang dramatiko na pagpapakilala ay kung kusang mabubunyag ang karakter dahil sa kanyang pagkilos o pagpapahayag.
  • Ano ang mga karaniwang tauhan sa mga akdang naratibo?
    • Bayani
    • Antagonista
    • Suportang tauhan
    • Tauhang bilog
    • Tauhang patag
  • Ano ang pangunahing katangian ng mga tekstong naratibo?
    Ang pagkukuwento
  • Ano ang mga mahahalagang elemento ng tekstong naratibo?
    • Tauhan
    • Tagpuan
    • Banghay
    • Paksa o Tema
  • Ano ang dapat isaalang-alang sa bilang ng tauhan sa tekstong naratibo?
    Dapat umayon ito sa pangangailangan
  • Ano ang dalawang paraan ng pagpapakilala ng tauhan?
    Expository at dramatiko
  • Ano ang pangunahing tauhan sa isang naratibong akda?
    Siya ang tauhang umiikot ang mga pangyayari mula simula hanggang katapusan
  • Ano ang papel ng katunggaling tauhan sa kwento?
    Siya ang sumasalungat o kalaban ng pangunahing tauhan
  • Ano ang pangunahing papel ng kasamang tauhan?
    Sumuporta at maging kapalagayang-loob ng pangunahing tauhan
  • Ano ang relasyon ng may-akda sa pangunahing tauhan?
    Ang may-akda ay laging nakasubaybay sa kilos at tinig ng tauhan
  • Ano ang tauhang bilog ayon kay E.M. Forster?
    Isang tauhang may multidimensiyonal na personalidad
  • Ano ang tauhang lapad ayon kay E.M. Forster?

    Isang tauhang nagtataglay ng iisa o dadalawang katangian na madaling matukoy
  • Bakit mahalaga ang tauhang lapad sa pagsulat ng akda ayon kay Forster?
    Upang manalamin ang tunay na kalakaran ng mga tauhan sa ating mundo
  • Ano ang tagpuan sa isang naratibong akda?
    Ang lugar at panahon kung saan naganap ang mga pangyayari
  • Ano ang banghay sa isang naratibong akda?
    Ang maayos na daloy o pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari
  • Ano ang karaniwang banghay o balangkas ng isang naratibo?
    1. Epektibong simula (orientation or introduction)
    2. Pagpapakilala sa suliranin (problem)
    3. Saglit na kasiglahang (rising action)
    4. Kasukdulan (climax)
    5. Pababang pangyayari (falling action)
    6. Makabuluhang wakas (ending)
  • Ano ang anachrony sa isang naratibong akda?
    Mga pagsasalaysay na hindi nakaayos sa tamang pagkakasunod-sunod
  • Ano ang analepsis sa konteksto ng banghay?
    Flashback na ipinapasok ang mga pangyayaring naganap sa nakalipas
  • Ano ang prolepsis sa konteksto ng banghay?
    Flash-forward na ipinapasok ang mga pangyayaring magaganap pa lang
  • Ano ang ellipsis sa konteksto ng banghay?
    May mga puwang o patlang sa pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari
  • Ano ang paksa o tema sa isang naratibong akda?
    Ang sentral na ideya kung saan umiikot ang mga pangyayari