Isang kasulatang mungkahing naglalaman ng mga plano ng mga gawaing ihaharap sa tao o samahang pag-uukulan nitong siyang tatanggap at magpapatibay nito.
Isang detalyadong deskripsiyon ng mga inihahaing gawaing naglalayong lumutas ng isang problem o suliranin.
Tatlong bahagi ng Panukalang Proyekto:
Panimula
Katawan
Benepisyo ng Proyekto at mga MakikinabangNito
PANIMULA
Dapat tukuyin ang pangangailangan ng komunidad, samahan, o kompanyang pag-uukulan ng proyekto.
Nakasaad dito ang suliraning nais lutasin ng nasabing panukalang proyekto.
Layunin
sa bahaging ito makikita ang mga bagay na gustong makamit o ang pinaka-adhikain ng panukala.
Ang layunin ay dapat na maging SIMPLE:
Specific - nakasaad ang bagay na nais makamit o mangyari sa pakulang proyekto
Immediate - nakasaad ang tiyak na petsa kung kailan ito matatapos
Measurable - may basehan o patunay na maisakatutuparan ang nasabing proyekto
Practical - nagsasaad ng solusyon sa binanggit na suliranin
Logical - nagsasaad ng proyekto kung paano makakamit ang proyekto
Evaluable - masusukat kung paano makatutulong ang proyekto
Plano ng DapatGawin
ito ay ang "plan of action" na naglalaman ng mga hakbang na isasagawa upang malutas ang suliranin.
Dapat ito ay nasa tamang pagkakasunod-sunod, at dapat na makatotohanan
Nakasaad din ang petsa kung kailan matatapos ang proyekto
Badyet
Talaan ng mga gastusin na kakailanganin upang maisakatuparan ang layunin.
Dapat ito ay pag-aralang mabuti upang makatipid sa mga gagastusin.
BENEPISYO NG PROYEKTO AT MGA MAKIKINIBANG NITO
Nakasaad dito kung sino ang matutulungan ng proyekto at kung paano ito makatutulong sa kanila.
Gamitin ang mga sumusunod sa pagsulat ng Panukalang Proyekto:
PamagatngPanukalang Proyekto
Nagpadala - saan nakatira ang sumulat nito
Petsa - araw kung kailan ipinasa ang pakulang papel