Sintesis

Cards (23)

  • Makrong kasanayan na naglalahad ng kaisipan at damdaming nais ipahayag ng tao gamit ang pinakaangkop na mga salita upang epektibong makapaghatid ng mensahe
    Pagsulat
  • Uri ng sulatin na naglalahad ng orihinal na teksto sa MAS MAIKLI ngunit KOMPLETO at DETALYADONG paraan
    Sintesis
  • Salitang Griyego na ______ na binubuo ng (___) na nangangahulugang KASAMA o MAGKASAMA at (_____) na nangangahulugang ilagay
    Syntithenai

    -syn = kasama
    -tithenai = ilagay
  • Anyo ng pag-uulat ng impormasyon sa pinaikling paraan upang mapagsama-sama at mapag-isa ang magkakaugnay na datos mula sa iba't ibang sanggunian
    Sintesis
  • Pagkakaiba ng Sintesis sa Sinopsis
    Sintesis = buod ng iba't ibang reference (sanggunian) ; maraming akda o batis ang kailangan

    Sinopsis = lagom ng mga nobela, kwento o pelikula ; lagom ng isang pinaghahanguan
  • URI NG SINTESIS

    Naglalayong tulungan ang mambabasa na maunawaan ang paksa
    Explanatory
  • URI NG SINTESIS

    Naglalayong maglahad ng pananaw ng sumulat
    Argumentative
  • Explanatory o Argumentative?

    Layunin: Binibigyang-katuwiran o pinagtitibayin ang isang argumento upang mahikayat na sumang-ayon ang mga mambabasa
    Argumentative
  • Explanatory o Argumentative?

    Layunin: Ipinaliliwanag ang tiyak na paksa ng isang akda o teksto
    Explanatory
  • Explanatory o Argumentative?

    Katangian: Nagtataglay ng mga totoong detalye at impormasyon
    Explanatory
  • Explanatory o Argumentative?

    Katangian: Nagtataglay ng opinyon batay sa mga impormasyong nasaliksik ng manunulat
    Argumentative
  • Explanatory o Argumentative?

    Paglalahad: Naglalahad ng impormasyon at hindi gumagamit o nagdaragdag ng opinyon o pananaw
    Explanatory
  • Explanatory o Argumentative?

    Paglalahad: Gumagamit ng mga salitang naglalahad ng kaniyang sariling opinyon o pananaw tungkol sa paksa
    Argumentative
  • Nakatuon sa paglalahad ng mga impormasyong nakalap para sa paksa. Layunin ng manunulat ay maunawaan ng mga mambabasa ang mga impormasyong nakapaloob sa sintesis sa malinaw at organisadong paraan ng pagsulat

    Sintesis na Explanatory
  • Nangangailangan ng maraming paliwanag at mga suportang detalye nang sa gayon ay magkaroon ng malinaw na pag-unawa sa tinatalakay na paksa

    Sintesis na Explanatory
  • PAGSULAT NG SINTESIS

    Nakasalalay na agad rito ang pagkuha ng atensiyon ng mambabasa sa sulatin sapagkat kinakatawan nito ang pagkakakilanlan ng sintesis
    Pamagat
  • PAGSULAT NG SINTESIS

    Siping pahayag ng anekdota, nobela, maikling kuwento, sanaysay o iba pang akdang pampanitikan; bahagi ng diyalogo ng isang pelikula, dula, dramang pantelebisyon o iba pang multimedia platform
    Panimula
  • PAGSULAT NG SINTESIS

    Inaasahang lalamanin ng unang pangungusap ang pangunahing ideyang tatalakayin sa buong talata
    Katawan
  • PAGSULAT NG SINTESIS

    Muling pagtibayin ang pangkalahatang pananaw ng sintesis; tukuyin ang halaga at kaugnayan ng paksang tinatalakay sa kasalukuyang panahon, kalagayang panlipunan o buhay ng mambabasa
    Pangwakas
  • Sa pagsulat ng sintesis, tiyaking (_____) impormasyon lamang ang ilalahad, kaya napakahalagang mga (______) sanggunian lamang ang gagamitin
    Sa pagsulat ng sintesis, tiyaking (TAMANG) impormasyon lamang ang ilalahad, kaya napakahalagang mga (MAPAGKAKATIWALAANG) sanggunian lamang ang gagamitin
  • KLASE NG SANGGUNIAN

    - transcript ng isang panayam
    - estadistikang datos
    - likhang sining gaya ng awit, musika, panitikan at artifacts
    Pangunahing Sanggunian
  • KLASE NG SANGGUNIAN

    - lathalaing journal
    - pagsusuri
    - aklat
    - manuskritong pang-akademya
    Pangalawang Sanggunian
  • Mga kakayahan na kailangan mahasa sa pagsulat ng sintesis
    1. Magbasa ng iba't ibang uri at anyo ng sulatin
    2. Sanayin ang sariling mag-isa-isa ng mga kaisipan galing sa akda
    3. Magkaroon ng sariling pananaw hinggil sa paksang binasa
    4. Isangguni pa sa dalawa o higit pang teksto ang binasang akda