filipino2

Cards (14)

  • Sino ang nagtatag ng "Linguistics Circle of New York"?
    Roman Jakobson
  • Ano ang mga pangunahing "Functions of Language" ayon kay Roman Jakobson?

    1. Pagpapahayag ng damdamin (Emotive)
    2. Panghihikayat (Conative)
    3. Pagsisimula ng pakikipag-usap (Phatic)
    4. Paggamit bilang sanggunian (Referential)
    5. Paggamit ng kuro-kuro (Metalingual)
    6. Patalinghaga (Poetic)
  • Ano ang layunin ng pagpapahayag ng damdamin (Emotive) sa wika?

    Upang ipahayag ang damdamin, saloobin, at emosyon.
  • Magbigay ng halimbawa ng pagpapahayag ng damdamin (Emotive).
    Galit: Ayoko na!
  • Ano ang layunin ng panghihikayat (Conative) sa wika?
    Upang manghikayat at mag-impluwensya sa iba sa pamamagitan ng pag-utos at pakiusap.
  • Magbigay ng halimbawa ng panghihikayat (Conative).

    Panghihikayat ng isang bata sa mga tao na bumili ng kanyang lemonada.
  • Ano ang layunin ng pagsisimula ng pakikipag-ugnayan (Phatic) sa wika?

    Upang makipag-ugnayan sa kapwa at makapagsimula ng usapan.
  • Magbigay ng halimbawa ng pagsisimula ng pakikipag-ugnayan (Phatic).

    May bagong mag-aaral na nagpapakilala sa kanyang magiging kaklase.
  • Ano ang layunin ng paggamit bilang sanggunian (Referential) sa wika?
    Upang gamitin ang wikang nagmula sa aklat at iba pang sangguniang pinagmulan ng kaalaman upang maiparating ang mensahe at impormasyon.
  • Magbigay ng halimbawa ng paggamit bilang sanggunian (Referential).

    Si Jose ay kumukuha ng mga importanteng impormasyon mula sa libro para sa kanyang pag-uulat bukas.
  • Ano ang layunin ng paggamit ng kuro-kuro (Metalingual) sa wika?
    Upang linawin ang mga suliranin sa pamamagitan ng pagbibigay ng komento sa isang kodigo o batas.
  • Magbigay ng halimbawa ng paggamit ng kuro-kuro (Metalingual).

    Ang pagsang-ayon o di pagsang-ayon sa isang espisipikong isyu.
  • Ano ang layunin ng patalinghaga (Poetic) sa wika?

    Upang masining na ipahayag ang panulaan, prosa, sanaysay, at iba pa.
  • Magbigay ng halimbawa ng patalinghaga (Poetic).
    Pagsulat ng tula para iaalay sa magulang.