Ano ang isang karunungang bayan na minana natin sa ating mga ninuno? Ito ang nagsilbing batas at gabay ng mga sinaunang tao sa pagtuwid sa sarili,ng kagandahang asal, at mabuting pakikipag-kapuwa tao.
Salawikan
Ang ______ o idyoma ay isang uri ng eupemistikong pahayag na gumagamit ng talinghaga?
Sawikain
Ano ang isang paraan ng paglalarawan ng dalawang paksang pinag-uusapan?
Paghahambing
Ano ang naglalahad ng patas o pantay na katangiang taglay ng dalawang paksang pinag-uusapan?
Pahambing na Magkatulad
Ano ang mga pahayag o orasyong sinasambit ng mga katutubong filipino upang magbigay galang, humingi ng paumanhin, magpasalamat, at iba pa?
Bulong
Ano ang isang libangang nasa anyong tuluyan na sumusubok sa mahusay na pag-iisip at imahinasyon?
Palaisipan
Ano ang isang libangang nasa anyong patula na nangangailangan ng talas ng isip upang masagot?
Bugtong
Ano ang isang tulang inaawi?
Awiting-bayan
Ginagamit ito kung ang isa sa pinaghahambing ay may mas maliit o may mas mababang antas ng katangin?
Pasahol
Ano ang ginagamit kung ang isa sa pinaghahambing ay may katangiang mas mataas o higit na mataas?
Palamang
Ano ang katutubong panitikang nagsasalaysay ng pinagmulan ng mga bagay-bagay sa daigdig?
Alamat
Tumutukoy ito sa panahon kung kailan naganap, nagaganap, at magaganap ang isang kilog at sumagot sa tanong na kailan?
Pang-abaynaPamanahon
Tumutukoy ito sa lugar na pinangyarihan ng kuwento at sumasagot sa tanong na saan?
Pang-abaynaPanlunan
Ano ang tumutukoy sa pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa akda?
Banghay
Panimula - naglalarawan ito sa tagpuan at tauhan ng kuweto
Suliranin - ito ang problemang haharapin ng pangunahing tauhan sa kuwento
Pataas na aksiyon - inilalahad ang suliranin, ang reaksiyon, at mga hakbang ng mga tauhan
PababangAksiyon - naglalahad ng solusyon o sagot sa suliranin sa kuwento
Kasukdulan - ang kapana-panabik na bahagi o aksiyon sa kuwento
Kakalasan - isa pang tawag sa pababang aksiyon
Ano ang tawag sa magagaang salita o pahayag na ipinapalit upang maiwasan ang panakit ng damdamin?
Eupemismo
Ano ang naglalahad ng buhay at pakikipagsapalaran, pakikipagtunggali, at kabayanihan ng isang kilalang tauhan o bayani ng isang pook?