ALAMAT (elemento&bahagi)

Cards (9)

  • Ilan ang mga elemento ng alamat?
    Pitong elemento
  • Ano ang mga elemento ng alamat?
    • Tauhan: Mga nagsiganap sa kwento at kanilang papel
    • Tagpuan: Lugar at panahon ng mga aksyon
    • Saglit na kasiglahan: Panandaliang pagtatagpo ng tauhan
    • Tunggalian: Pakikitunggali ng pangunahing tauhan sa suliranin
    • Kasukdulan: Pinakamadulang bahagi ng kwento
    • Kakalasan: Unti-unting pagbaba ng takbo ng kwento
    • Katapusan: Resolusyon ng kwento
  • Ano ang papel ng tauhan sa alamat?
    Sila ang mga nagsiganap sa kwento at kung ano ang papel na ginagampanan ng bawat isa
  • Ano ang tagpuan sa alamat?
    Inilalarawan dito ang lugar at panahon ng mga aksyon at insidente
  • Ano ang saglit na kasiglahan sa alamat?
    Ito ay naglalahad ng panandaliang pagtatagpo ng mga tauhang masasangkot sa suliranin
  • Ano ang tunggalian sa alamat?
    Ito ang bahaging nagsasaad sa pakikitunggali ng pangunahing tauhan laban sa mga suliranin
  • Ano ang kasukdulan sa alamat?

    Ito ang pinakamadulang bahagi kung saan maaaring makamtan ng pangunahing tauhan ang katuparan o kasawian
  • Ano ang kakalasan sa alamat?

    Ito ang bahaging nagpapakita ng unti-unting pagbaba ng takbo ng kwento mula sa kasukdulan
  • Ano ang katapusan sa alamat?
    Ito ang bahaging maglalahad ng magiging resolusyon ng kwento