Akademikong pagsulat - isang anyo ng pagsulat na nangangailangan ng mataas na antas ng kasanayangakademiko
makapagbigay ng tamang impormasyon - pangunahing layunin ng akademikong pagsulat
manunulat - kailangan mahusay mangalap ng impormasyon, mahusay magsuri, magaling mag-organisa ng mga ideya, at lohikal
Hindi kailangang gumamit ng mabubulaklak na pananalita sapagkat ito ay hindi kabilang sa mga katangian ng sulating pang-akademiko
Pormal − Makikita ito sa mga salitang ginagamit at pagkakabuo ng mga pangungusap.
kuwit - ginagamit sa pag-iisa-isa ng magkakasunod na salita o ideya
pananaliksik - isa sa mga uri ng sulating pang akademiko, ito ay pormal at kailangan ng kritikal na pagbabasa at pagsusuri.
Malinaw − Makatutulong sa pagiging malinaw ng nilalaman nito kung hindi magiging maligoy ang paraan ng paglalahad ng mga ideya.
tiyak - tunguhin ang magbibigay ng katiyakan kung para saan ang isinusulat na sulating pang-akademiko
May paninindigan - kung ang sisinulat ay sapat na impormasyon at datos sa paraang mahusay na pangangatwiran
paranthetical citations - nakakadargdag ng kredibilidad at paninindigan ng manunulat
may pananagutan - kung saan niya hinango at ibinatay ang kaniyang mga isinulat
kasanayan sa pagsulat - itinuturing na isa sa mga makrong kasanayang dapat na taglayin ng isang mag-aaral, kasama ang pakikinig, pagasasalita, pagbabasa, at panonood.
komprehensibong paksa - nababatay sa interes ng manunulat
angkop na layunin - magtatakda ng dahilan ng pagbuo ng akademikong sulatin
gabay na balangkas - magsisilbing gabay sa akademikong sulatin
borador - draft
balangkas - outline
paunang balangkas - magiging batayan sa pagrerebisa ng pinal na sulatin
halaga ng datos - pinakamahalagng yunit ng pananaliksik
epektibong pagsusuri - lohikal upang maging epektibo ang binubuong sulatin
tugon ng kongklusyon - pangkalahatang paliwanag sa nais na maipahayag ng akademikong sulatin
Bago sumulat
nagaganap ang integrasyon ng paunang kaalaman at bagong kaalaman pagbabalik
tanaw at pagkilala ng sarili sa anumang maaaring ilagay sa bubuuing sulatin.
inaasahang ang manunulat ay nagsasagawa ng pananaliksik sa kaalamang nais niyang ipahayag. Kabilang din rito ang pagsagot sa mga tanong na: ano, sino, kailan, saan, bakit, at paano
Pagbuo ng Unang Borador
iniisa-isa ng manunulat ang mga konsepto na maaaring maging laman ng akademikong sulatin gabay ito upang payamanin ang nililinang na akademikong sulatin.
maaaring ang manunulat ay lumikha ng kaniyang burador sa isang papel o hindi kaya ay gawin na agad sa kaniyang kompyuter
Pagwawasto (Editing) at Pagrerebisa
inaayos ang unang burador.
Iniwawasto ang mga mali tulad ng baybay, bantas, at mismong nilalaman ng akademikong sulatin.
may mga tiyak na simbolo upang ituwid ang mga nakitang mali (proofreading and/or copyreading symbols)
Ilalapat ang pagrerebisa o ang aktuwal na pagbuo ng inayos na akademikong sulatin nagaganap ang pagsasayos, pagtutuwid, at pagbabago batay sa mga napuna sa sulatin.
Ang nirebisang sulatin ang ituturing na ikalawang burador ng akademikong sulatin.
Huli o Pinal na Sulatin - inaasahang kahusayan at kakinisan ng binubuong akademikong sulatin
Paglalathala o Pagpapalimbag
maibabahagi sa mas maraming mambabasa ang impormasyong nais ipabatid bilang ambag sa produksiyon ng karunungan
Nailalathala ang akademikong sulatin sa pahayagan, magasin, jornal, o aklat
Kakayahan sa Kritikal na Pag-iisip - nagbibigay ito ng mas malawak na pagkakataon upang higit na makita ang lawak ng saklaw ng paksang nais talakayin at makapagmungkahi ng mga naaangkop na pagkilos o solusyon.
Pagpapalawak at Pagpapalalim ng Kaalaman - nagagawang mapalalim at mapalawak ng isang indibidwal ang kaniyang kaalaman kaugnay sa hinihiling ng paksa o temang nais niyang talakayin
Kakayahang Propesyonal - sinasanay nito ang manunulat na maging maingat, mapanuri, at matapat sa lahat ng ibabahagi sa kaniyang sulatin kung kaya nalilinang ang pag uugaling masinop
Kasanayan sa Saliksik - ang taglay nitong kaalaman na hindi lamang sumasandig sa iisang batis o batayan, sapagkat nangangailangan itong makapagbigay ng isang kongkreto at makabuluhang kahulugan at/o kaalaman
Malikhaing Pagsulat
magbigay ng kasiyahan, mapukaw ang damdamin, at magising ang isipan ng mambabasa
bunga ng mapaglarong isipan ng manunulat na maaaring batay sa tunay na pangyayari o kaya naman ay bunga ng imahinasyon
maikling kuwento, nobela, tula, pabula, parabula, at iba pa.
Teknikal na Pagsulat
isinasagawa upang pag-aralan ang isang proyekto o kaya naman ay bumuo ng isang pag-aaral na sasagot sa isang suliranin.
Ayon naman kay Dupuis (2018), sa kasalukuyan, ang teknikal na sulatin ay kinabibilangan ng lahat ng mga dokumentasyong may teknikal na proseso
Propesyonal na Pagsulat
uri ng sulating may kinalaman sa isang tiyak na larangang pang-akademya.
nakatuon ito sa mga sulating may kinalaman o kabuluhan sa isang tiyak na propesyon
Jornalistik na Pagsulat
kinakailangang taglayin ng manunulat ang mga kasanayan sa pangangalap ng impormasyon, pagiging obhetibo, at paningin sa mga makabuluhang isyu tungkol sa lipunan
balita, editoryal, lathalain, isports, at iba pang katumbas na sulatin.
Reperensiyal na Pagsulat
bigyang-pagkilala ang mga pinagkunan ng impormasyon upang maging balido at mapagkakatiwalaan ang isang akademikong sulatin.
Sa mga salita naman ni Skrabanek (2012), ang pokus ng reperensiyal na pagsulat ay nakatuon sa mga makatotohanang impormasyon
Akademikong Pagsulat
kumbensiyon na naglalayong maipakita ang resulta mula sa pagsisiyasat tungkol sa ideyang nais pangatwiranan (Alejo et al., 2005).
Ayon naman kina Mabilin et al. (2012), ang lahat ng uri ng pagsulat ay maituturing na bunga lamang ng akademikong pagsulat.
Malikhaing pagsulat
ay isang natatanging uri ng pagsulat sapagkat kailangan nitong magtaglay ng mahusay na diwa at paksa.
ay gumagamit ng mayamang imahinasyon ng isang manunulat.
ito ay kilala rin sa larangan ng pagsulat ng panitikan o literature
Ayon kay Webster (1974) na binaggit ni Villafuerte (2000)
malikhaing pagpapahayag
aestetikong anyo
pandaigdigang kaisipan
kawalang-maliw
Idyoma - mga di-tuwiran o di-tahasang pagpapahayag na may kahulugang malayo sa literal na kahulugan ng salita.