isa sa mahahalagang hakbang sa pagiging matalino at mapanuring tao
Paghatolatpagmamatuwid
ay isang paraan upang maipamalas natin ang ating mga nalalaman tungkol sa isang isyu, paksa o usapin.
Kahulugang Konotatibo
Tumutukoy isa sa ekstrang kahulugang taglay ng isang salita depende sa intensyon o motibo ng taong gumagamit nito.
Kahulugang Denotatibo
ito ay nagtataglay o nagpapahiwatig ng neutral o obhetibong kahulugan ng mga termino. Ito ay tawag sa KAHULUGANG DIKSYUNARYO na ginagamit sa pinakasimpleng pahayag
Pang-Ugnay
ay tawag sa mga salitang nagpapakita ng pagkakaugnay ng mga salita, parirala o pangungusap.
Pangatnig
mga salitang pang-ugnay sa mga salita o sugnay na nagpapakita ng PAGKAKASUNOD-SUNOD
Pang-Angkop
salitang nag-uugnay sa panuring at tinuturingan
Pang-ukol
katagang nag-uugnay sa isang pangngalan sa iba pang salita sa pangungusap
Nobela
isang mahalagang uring pampanitikan na nagpapakita ng mga pangyayari na isinulat sa pinakamaayos na pagpaplano at pagbabalangkas ng mga importanteng bahagi at sangkap nito. Ito ay madalas na sumasalamin sa mga isyu sa lipunan
Tagpuan
lugar at panahon ng mga pinangyarihan
Tauhan
nagpapagalaw at nagbibigay buhay sa kwento
banghay
pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa kwento
pananaw
panauhang ginagamit ng mga akda
Una
kapag kasali ang may-akda sa kwento
Pangalawa
ang may-akda ay nakikipag-usap
Pangatlo
batay sa nakikita o obserbasyon ng may-akda
Tema
paksang-diwang binibigyan ng diin sa kwento
Damdamin
nagbibigay kulay sa mga pangyayari
Pamamaraan
istilo ng manunulat
Pananalita
diyalogong ginagamit sa kwento
Simbolismo
nagbibigay ng mas malalim na kahulugan sa tao, bagay at pangyayarihan
Teleserye
ay isang nobelang ginawan ng bersyong ipinapalabas sa telebisyon kaya ito ay maituturing na isang akdang pampanitikan na may maayos na pagkakasulat, pagpaplano at pagbabalangkas na madalas ding sumasalamin sa mga isyu ng lipunan
Sinematograpiya
ay ang sining sa pagkuha ng bidyu na kinabibilangan ng liwanag, anggulo, dimensyon at marami pang iba
Tula
ay isang uri ng panitikan na binubuo ng mga salitang may ritmo at metro
Ritmo
ay ang haba o iksi ng mga pattern
Metro
ay tumutukoy sa haba o iksi ng bilang ng mga pantig sa bawat linya
Ang tula ay binubuo ng 5 na elemento
Sukat
tumutukoy sa bilang ng pantig ng bawat taludtod na nakapaloob sa isang saknong
Saknong
tumutukoy sa isang grupo sa loob ng isang tula na maaaring binubuo ng isang taludtod o higit pa
Taludtod
ay ang pinakamaliit na yunit ng tula na binubuo ng ilang pantig
Tugma
ay tumutukoy sa pagkakaroon ng pagkakasintunog ng mga huling pantig ng huling salita ng bawat linya
Kariktan
ay mga salitang ginagamit upang magpasaya o magbigay sigla sa damdamin ng mambabasa
Talinghaga
ay tumutukoy sa di-tahasang pagtukoy sa mga bagay na binibigyang-turing sa tula