Panandang Pandiskurso ang tawag sa mga salitang nag-uugnay sa mga pangungusap o bahagi ng teksto. Ito rin ang nagbibigay-linaw at nag-uugnay ng mga kaisipang inilalahad sa isang teksto o diskurso.
Ito ay marring maghudyat ng pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari o maghimaton tungkol sa pagkakabuo ng diskurso.
Ito ay kinakatawan ng pag-ugnay, panghalip at iba pang bahagi ng pananalita.
May dalawang uri ng Panandang Pandiskurso:
Mga panandang naghuhudyat ng pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari
Mga panandang naghuhudyat ng paraan ng pagkabuo ng diskurso
Mga nakabilang sa mga panandang naghuhudyat ng pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari:
Sa pagsisimula – Una, umpisa, noonguna, unang-una.
Sa gitna – ikalawa, ikatlo..., sumunod, pagkatapos.
Sa pagwawakas – sahulingdako, sahuli, sawakas.
Anu-ano ang mga salita na nagagamit sa pagsisimula?
Una, umpisa, noong una, unang-una.
Anu-ano ang mga salitang ginagamit sa paghuhudyat sa gita?
Ikalawa, ikatlo..., sumunod, pagkatapos.
Anu-ano ang mga salitang ginagamit sa paghuhudyat sa pagwawakas?
Sa hulingdako, sahuli, sawakas.
Ano ang tawag sa mga panandang naghuhudyat ng paraan ng pagkabuo ng diskurso?
Ang mga panandang naghuhudyat ng paraan ng pagkabuo ng diskurso ay mga partikularnasalita o parirala.