Pagsulat ng talumpati

Cards (10)

  • Pagsulat ng talumpati -Ang talumpati ay sining ng pagsasalita na nangangatwiran, or tumatalakay ng isang paksa para sa tagapakinig.
  • Ang isang mahusay na talumpati ay dapat nakapagbibigay-impormasyon, nakapagpapaunawa, nakapagtuturo, nakahihikayat ng mga konsepto at paninindigan sa mga manonood at tagapakinig
  • Sa pagsulat ng Talumpati ay dapat isaalang-alang ang uri ng wika at mga angkop na salita na magiging kaaya-aya at mauunawaan ng tagapakinig.
  • Mga gabay sa paggawa ng talumpati: 1.Pagpili ng paksa 2.Pagtitipon ng mga materyales 3.Pagbabalangkas ng mga ideya 4.Paglinang ng mga kaisipan
  • Pagpili ng paksa -Kailangang suriin ang sarili kung ang paksang napili ay saklaw ang kaalaman, karanasan at interes.
  • Pagtitipon ng mga materyales - Kapag tiyak na ang paksa ng talumpati ay paghahanap ng materyales na gagamitin sa pagsulat ng mga impormasyon na gagamitin sa isusulat na talumpati.
  • Pagbabalangkas ng mga ideya -Ang talumpati ay nahahati sa tatlong bahagi panimula, katawan at pangwakas.
  • Paglinang ng mga kaisipan -Dito nakapaloob ang mga mahalagang impormasyon na sumusuporta sa mga pangunahing kaisipan na inilahad sa balangkas.
  • Ang pagsulat ng pinaka katawan - Upang ang katawan ng talumpati ay maging makabuluhan at kapanipaniwala ito ay dapat magtaglay ng mga paliwanag, paghahambing o pagtutulad, paghahalimbawa, pagbanggit sa mga tunay na pangyayari, estadistika at patotoo.
  • Ang pagsulat ng wakas -Laging isaalang alang sa pagsulat ng talumpati kung sino ang iyong mambabasa o tagapakinig