•Habang lumalaki ang kita ng tao ay lumalaki din ang kaniyang kakayahan na komonsumo ng mga produkto at serbisyo.
Normal Goods
Mga uri ng produktong kayang bilhin kasabay ng pagtaas ng kita ng isang tao
Inferior Goods
Mga uri ng produktong kaya bilhin kasabay ng pagbaba ng kita ng isang tao
Pagbabago sa Presyo
Mas mataas ang pagkonsumo kung mababa ang presyo.
Bumababa naman ang pagkonsumo kung tumataas ang presyo.
Mga Inaasahan
Kapag inaasahan ng mamimili na tataas ang presyo ng isang produkto sa darating na panahon/linggo, tataas ang pagkonsumo sa kasalukuyan dahil bibili na siya agad ng nasabing produkto habang mura pa ito at hanggang hindi pa ito nagtataas ng presyo.
Pagkakautang
Kapag maraming utang ang isang konsyumer, lumiliit ang kakayahan niyang komunsumo dahil kailangan niya muna bayaran ang kaniyang mga pagkakautang.
Demonstration Effect
Nakakaimpluwensiya ng malaki ang mga product endorsers tulad ng mga sikat na modelo at artista sa pagkonsumo ng mga mamimili.
Malaking impluwensiya din ang socialmedia pag-uugali at gawi ng mga konsyumer.
Okasyon
Nakakaimpluwensiya ng malaki ang mga okasyon o mga pagdiriwang na karaniwang bahagi ng tradisyong Pilipino sa pagkonsumo ng tao.
Pagpapahalaga
May mga tao na may sariling pagpapahalaga sa kanilang buhay.
Malinaw sa kanila kung ano ang kanilang prayoridad at mga bagay na dapat unahin.