KABANATA 2_PAGPOPROSESO NG IMPORMASYON PARA SA KOMUNIKASYON

Cards (69)

  • Ang mga hanguan o batis (sources) ng impormasyon ay makakategorya sa tatlo: primarya, sekondarya at hanguang elektroniko.
  • hanguang primarya - Ang hanguang ito ay mga datos na pawang orihinal na gawang isang mananaliksik na maaaring gamitin para maging pokus o pansuportang kaalaman sa isinusulat na papel. Ito rin ay nagbibigay ng direktang katibayan tungkol sa paksa na iyong sinasa iksik. Ang mga impormasyong makukuha sa ay galing sa mismong taong nakasaksi ng pangyayari.
  • hanguang sekondarya -Ang hanguang ito ay anumang bagay na naglalarawan, nagsasalin o nagsusuri ng impormason mula sa primaryang sanggunian. Ito ay mga impormasyong galing sa iba o nalaman lang dahil sa taon nakasaksi ng pangyayari.
  • Hanguang Elektroniko o Internet - Maituturing ito ngayon bilang isa sa pinakamalawak at pinakamabilis na hanguan ng mga impormasyon o datos. Sa isang pindot lamang ng daliri ay may mayamang impormasyon ka nang makukuha. Dito ay maaari ka ring magpadala ng liham-elektroniko o e-mail sa alin mang panig ng mundo.
  • Narito ang mga ilang payo hinggil sa paggamit ng. hanguang elektroniko:
    1. Anong uri ng website ang iyong tinitingnan?
    2. Sino ang may akda?
    3. Ano ang layunin?
    4. Paano inilahad ang impormasyon?
    5. Makatotohanan ba ang teksto?
    6. Ang impormasyon ba ay napapanahon?
  • Uniform Resource Locators (URLs)
    • .edu - ay mula a institusyon ng edukasyon o akademiko.
    • .org - ay nangangahulugang mula sa isang organisasyon at ang .com ay mul sa komersyo o bisnes.
    • .gov - ay nangangahulugang mula sa institusyon o sangay ng pamahalahaan.
  • Ang pagbasa ay isang proseso ng pagbuo ng kahulugan mula sa mga salita
  • Ayon naman kay Huffman (1998), ang pagbasa ay parang pagtatanong na nakalimbag mula sa teksto at pagbabasa na may pang-unawa na nagiging dahilan upang ang mga tanong ay masagot.
  • ang pananaliksik naman ay isang proseso sa pagkuha ng mga impormasyon upang sa ganoon ay mas lalong maintindihan ang bawat bagay.
  • Ang teorya sa pagbasa ay pananaw ukol sa pagbasa. to ay nagtatangkang ipaliwanag ang mga proseso at salik na kasangkot at may kaugnayan sa mga gawaing nararanasan sa akto ng pagbasa at ang pag-unawa sa mga ito
  • Teoryang Itaas-Pababa (Top-Down) Mga proponent ng teorya: Kenneth S. Goodman (1985) at Frank Smith (1994). Ang teoryang ito ay naniniwalang ang pag-unawa ay nagmumula sa isipan ng mambabasang mayroon nang dating kaalaman at karanasan. Ang daloy ng impormasyon sa teoryang ito ay nagsisimula sa itaas (top) patungo sa ibaba (down) na ang ibig sabihin, ang pag-unawa ay batay sa kabuuang kahulugan ng teksto. Ang mambabasa ay gumagamit ng kanyang dating kaalaman (prior knowledge) at kaalaman (scheme) na nabubuo na sa kaniyang isipan batay sa kanyang karanasan..
  • Ayon kay Goodman, ang pagbasa ay isang saykolingguwistikong larong pahulaan (psycholinguistic guessing game). Sa larong ito, ang mambabasa ay nagsisilbing “taya” kung saan siya ay bumubuo ng sariling hula, hinuha, at haypotesis kaugnay ng tekstong binasa.
  • Teoryang Itaas-pababa - Sa teoryang ito, ang mambabasa ang sentro
    ng proseso ng pagbasa sa halip na ang teksto dahil ang mambabasa ay madalas nang may dating kaalaman o iskema tungkol sa paksa. Samakatuwid, sa teoryang ito, ang mambabasa ay higit na nakapokus sa kung ano ang alam niya upang maunawaan ang binabasa. Ang teoryang ito ay tinatawag ding inside-out model, concept-driven model, at whole to part model 
  • Teoryang Ibaba-pataas (bottom-up) -Mga proponent ng teorya: Rudolf Flesch (1955), Philip B. Gough (1985), at David La Berge at S. Jay Samuels (1985). Ito ay teoryang kasalungat ng top-down. Ito ay pananaw na naniniwalang ang pang-unawa sa teksto ay batay sa mga nakikita rito tulad ng salita, pangungusap, larawan, diyagram o iba pang simbolo. Ang kaisipang ito ay batay sa teoryang behaviorist at sa paniniwalang ang utak ay isang blangking papel o tabula rasa
  • Ayon kay Smith (1994), ang impormasyon ay hindi nagmumula sa mambabasa kundi sa teksto. Ang teoryang ito ay tinatawag , ding data-driven model o part to whole model. Ibig sabihin, higit na umaasa ang mambabasa sa mga impormasyong nasa teksto.
  • Teoryang Interaktibo - Mga proponent: David E. Rumelhart (1985), Rebecca Ban, Marilyn Sadow, Camille Blachowicz; at Robert Rudell, Robert speaker (1985). Ito ang kombinasyon ng teoryang bottom-up at top-down sapagkat ang proseso ng komorehensyon ay may dalawang direksyon. Nagagamap ang interaksyon sa pagitan ng teksto at ng mambabasa. Ito’y nabubuo mula sa kaalaman at ideya na dala ng mambabasa sa pag-unawa sa teksto.
  • Teoryang Iskema (Schema) - Mga proponent ng teorya: Richard Anderson at David Pearson (1984). Ang lahat ng ating naranasan at natutuhan ay nakaimbak sa ating isipan o memorya. Ito ay nagiging dating kaalaman (prior knowledge). Itoy nakakaimpluwensya nang malaki sa pag-unawa kung ano ang alam na o hindi alam ng mambabasa. Iskemata (schemata), ang sistema ng pag-iimbak ng impormasyon sa utak ng tao. Ang dating kaalaman (iskema) ang unang kailangan sa pag-unawa sa binasa upang maunawaan ang binasang teksto.
  • Pananaliksik - ay isang prosesong pangangalap ng mga totoong impormasyon na humahantong sa kaalaman. Isinasagawa ito sa pamamagitan ng paggamit ng kung ano ang nalalaman o napag-alaman na. Matatanggap ang karagdagang kaalaman sa pamamagitan ng pagpapatunay ng mga panukala (teorya) o mga pamamaran (sistema), at sa pagsubok sa mas mainam na pagpapaliwanag ng mga napapansin o obserbasyon.
  • Ang isang pananaliksik ay may iba't ibang katangin, ito ay ang pagiging:
    • Sistematiko
    • Empirikal
    • Mapanuri
    • Obhetibo, lohikal at walang pagkiling
    • Akyureyt na imbestigasyon
    • Matiyaga at hindi minamadali
    • Nangangailan ng tapang
    • Maingat na pagtatala at pag-uulat
  • Tatlong Yugto ng Pananaliksik sa Silid-Aklatan
    • Yugto 1: Panimulang paghahanap ng kard katalog, sangguniang aklat, bibliograpiya, indeks at hanguang elektroniko o internet.
    • Yugto 2: Pagsusuri na kinasasangkutan ng browsing, skimming at scanning ng mga aklat at artikulo at ng pagpili ng citation mula sa mga babasahin.
    • Yugto 3: Pagbabasa at pagtatala mula sa aklat, sanaysay, artikulo, computer printouts, at iba pang sanggunian.
  • Tinukoy nina Bernales et al. (2001) ang uri at gamit ng kard katalog sa aklat nilang pagbasa at Pagsulat sa Ib't bang Disiplina.
    1. Kard ng Paksa (Subject Card)
    2. Kard ng Awtor (Author Card)
    3. Kard ng Pamagat (Title Card)
  • Kard ng Paksa (Subject Card) - ang dapat hanapin kung ang malinaw pa lamang sa mananaliksik ay ang kanyang paksang tatalakayin. Nangunguna sa entri ng Kard na ito ang mismong paksa bago pa ang ibang impormasyon tulad ng awtor at pamagat ng libro.
  • Kard ng Awtor (Author Card) - ang kailangang tingnan kung ang mananaliksik ay may naiisip na agad na ator na awtoridad sa kanyang paksa. Nangunguna sa entring kard na ito ang pangalan ng ator bago pa ang ibang entris.
  • Kard ng Pamagat (Title Card) - ang pinakalapitin ng mga mananaliksik na hindi pa tukoy ang paksa o awtor na gusto nilang saliksikin, kung kaya parang naghahanap pa sila ng kanilang paksa sa mga librong pamilyar sa kanila.
  • Gabay na tanong sa pagsusuri ng mga nakalap na sanggunian.
    1. Ano ang kaugnayan nito sa paksa? - Isinasagawa ang pananaliksik upang tugunan ang isang paghahanap o pangangailangan.
    2. Mapagkakatiwalaan ba ang may-akda at tagapaglathala? - Hindi mo nanaising pagdudahan ang yong gawa, hindi ba?
    3.  Makatotohanan ba ito? - Ang pagiging makatotohanan ay hindi lamang nasusukat sa may-akda.
  • Iwasang gumamit ng sanggunian mula sa tabloyd, digest at review.
  •  Pagbubuod - ay isang paraan ng pagpapaikli ng anumang teksto o babasahin. Ito ay paglalahad ng mga kaisipan at natutuhang impormasyong nakuha sa tekstong binasa. Ito ay hindi sulating orihinal o hindi kailangang maging sariling akda. Wala kang isasamang sarili mong opinyon o palagay tungkol sa paksa. Isinasaad dito kung ano ang nasa teksto. Kailangang panatilihin ang mga binanggit na katotohanan o mga puntong binigyang-diin ng may-akda
  • Iba't ibang Paraan ng Pagbubuod. Ayon kay Javier (2017), may iba' ibang paraan ng pagbubuod upang mag-ugnay ng impormasyon at ideya kaugnay ng paksa. Ito ay ang Hawig at Lagom o Sinopsis.
  • Ang Lagom o Sinopsis ay isang pagpapaikli ng mga pangunahing punto, kadalasan ng piksyon. Karaniwang di lalampas ito sa dalawang pahina.
  • Ang hawig ay tinatawag na paraphrase sa Ingles. Galing ito sa salitang Griyego na "paraphrasis", na ibig sabihi'y "dagdag o ibang paraan ng pagpapahayag."
  • Graphic organizers - ay mga kagamitang pedagohikal. Ang mga ito ay may dalawang dimensyong naghahatid ng katotohanan at kaisipan sa paraang maayos, malinaw, at maikli ngunit malaman at buo. Ginagamit dito ang kombinasyon ng mga guhit, larawan, at mga salita upang linawin at ilantad ang mga kaisipan, konsepto, proseso, at ugnayan ng mga bagay-bagay.
  • Ginagamit ang graphic organizer sa pag-uugnay. Ginagamit din ito upang ibigay ang kategorya ng konsepto ng mga pangyayari, biswal ng mga larawan at mga kaalaman. Ito ay ibinibigay upang mahasang mabuti ang pag-lisip ng mga mag-aaral.
  • K-W-L Chart - teknik upang matukoy ang dati nang kaalaman at inuugnay sa mga bagong kaalaman. Nakababatay ito sa paniniwalang mas nananatili at nagiging makahulugan ang bagong kaalaman kung inuugnay sa dating nalalaman..
  • Ven Diagram - ginagamit sa paghahambing ng mga katangian ng dal wang paksa upang makita ang pagkakatulad at pagkakaibang mga ito.
  • Main idea and details chart - ginagamit tuwing may pinag-aaralang pangunahing kaisipan at pag-iisa-isa sa mga detalye.
  • Cause and Effect Chart - ito ay nagbubuod sa sanhi at bunga ng isang pangyayari o phenomena.
  • What If? Chart - ito ang chart na susubok sa kahusayan ng mga mag-aaral sa pagbibigay ng mga kasagutang maaaring itugon sa mga pangyayaring susuriin.
  • Fishbone Planner - ay inagamit sa pagitimbang timbay Sa maganda at hindi magandang epekto ng isang isyu o paksang pinag-usapan.
  • Story Ladder - katulad ng story sequence, ginagamit ito upang ipakita ang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari mula sa simula, gitna, at wakas. Isinasaayos ang mga pangyayari sa anyong hagdanan.
  • Story Pyramid - ginagamit upang ilahad ang mga importanteng impormasyon sa isang kuwento tulad ng pangunahing tauhan, tagpuan at mahahalagang pangyayaring bumubuo sa banghay.