Mga Batayang Kaalaman sa Wika

Cards (20)

  • Mga Dalubwika
    • Henry Gleason (Austero et al. 1999)
    • Bernales et al. (2002)
    • Mangahis et al. (2005)
    • Pamela C. Constantino at Galileo S. Zafra (2000)
    • Bienvenido Lumbera (2007)
    • Alfonso O. Santiago (2003)
  • Henry Gleason (Austero et al. 1999)

    Ang wika ay masistemang balangkas ng sinasalitang tunog na pinipili at isinasaayos sa paraang arbitraryo upang magamit ng taong kabilang sa isang kultura.
  • Bernales et al. (2002)

    Ang wika bilang proseso ng pagpapadala at pagtanggap ng mensahe sa pamamagitan ng simbolikong cues na maaaring berbal o di-berbal.
  • Mangahis et al. (2005)

    Mahalagang papel ang wika sa pakikipagtalastasan. Midyum na ginagamit sa maayos na paghahatid at pagtanggap ng mensahe na susi sa pagkakaunawaan.
  • Pamela C. Constantino at Galileo S. Zafra (2000)

    Ang wika ay isang kalipunan ng mga salita at ang pamamaraan ng pagsasama ng mga ito para magkaunawaan o makapag usap ang isang grupo ng mga tao.
  • Bienvenido Lumbera (2007)
    Binanggit ng Alagad ng sining sa Literatura na parang hininga ang wika. Gumagamit tayo ng wika upang kamtin ang bawat pangangailangan natin.
  • Alfonso O. Santiago (2003)
    Wika ang sumasalamin sa mga mithiin, lunggati, pangarap, damdamin kaisipan o saloobin, pilosopiya, kaalaman at karunungan, moralidad, paniniwala, at mga kaugalian ng tao sa lipunan.
  • Tatlong katangian ng Wika ayon kay Henry Gleason
    • Una: Ang wika ay masistemang balangkas.
    • Pangalawa: Ang wika ay arbitaryo.
    • Pangatlo: Ginagamit ang wika ng pangkat ng mga taong kabilang sa isang kultura.
  • Noong Abril 1, 1940, inilabas ang Kautusang Tagapagpaganap Blg. 263
  • Noong Hunyo 4, 1946, nang matapos ang digmaan, ganap nang ipinatupad ang Batas Komonwelt Blg. 570 na nagtatakdang wikang opisyal na ang pambansang wika.
  • Noong Marso 6, 1954, nilagdaan ni Pangulong Magsaysay ang Proklamasyon Blg. 12 para sa pagdiriwang ng Linggo ng Wikang Pambansa mula Marso 29 hanggang Abril 4 taon-taon.
  • Noong Setyembre 1955 naman sinusugan ng Proklamasyon Blg. 186 ang paglilipat sa pagdiriwang ng Linggo ng Wika sa Agosto 13 hanggang 19 taon-taon bilang paggunita sa kaarawan ni Pangulong Manuel Quezon na kinikilala bilang "Ama ng Wikang Pambansa".
  • Taong 1959, inilabas ni kalihim Jose F. Romero ng Kagawaran ng Pagtuturo ang Kautusang Pangkagawaran Blg. 7 na nagtatakdang "Kailanma't tutukuyin ang Wikang Pambansa, ito ay tatawaging Pilipino."
  • Nilagdaan ni Pangulong Ferdinand Marcos ang Kautusang Tagapagpaganap Blg. 6 noong Oktubre 24, 1967 na nag-uutos na ang lahat ng gusali, edipisyo, at tanggapan ng pamahalaan ay dapat na nakasulat sa Pilipino.
  • Noong Marso 27, 1968, inilabas ng Kalihim Tagapagpaganap na si Rafael Salas ang Memorandum Sirkular Blg. 96 na nag-aatas na lahat ng letterhand na mga tanggapin, kagawaran, at sangay ng pamahalaan ay dapat na nakasulat Pilipino at may katumbas na Ingles sa ilalim nito.
  • Noong 1970, naging wikang panturo ang Pilipino sa antas ng elementarya sa bisa ng Resolusyon Blg. 70. Sa bisa ng Resolusyon Blg, 73-7 ng Pambansang Lupon ng Edukasyon, isinama ang Ingles at Pilipino sa kurikulum mula elementarya hanggang kolehiyo, publiko man o pribado.
  • Noong 1974, sinimulang ipatupad ang patakarang edukasyong bilingguwal sa bansa.
  • Noong 1978, iniatas ng Kaustusang Pangministri ng Kagawaran ng Edukasyon ang pagkakaroon ng anim na yunit ng Filipino sa lahat ng kurso sa kolehiyo, maliban sa kursong pang-edukasyon na dapat kumuha ng 12 yunit. Samantala, noong Marso 12 , 1987, sa Kautusang Pangkagawaran Blg. 22, s. 1987, sinasabing gagamitin ang Filipino sa pagtukoy sa wikang pambansa ng Pilipinas.
  • Itinuturing ang Filipino bilang pambansang Lingua Franca o tulay ng komunikasyon at unawaan ng mga Pilipinong may kani-kaniyang sosyo-etnolingguwistikong grupo.
  • Isa sa nakapagpayaman ng panulaang Tagalog ay ang makatang si Francisco "Balagtas" Baltazar, ang itinuturing na "Ama ng Panulaang Tagalog" na kinikilala dahil sa kanyang akdang Florante at Laura, bukod sa iba pa niyang mga sinulat.