AP periodic test rev

Cards (14)

  • Ano ang kahulugan ng pangangailangan?

    Ang pangangailangan ay ang mga bagay na kailangan ng tao upang mabuhay ng ligtas at matiwasay.
  • Ano ang kahulugan ng kagustuhan?
    Ang kagustuhan ay ang mga bagay na ninanais ng isang tao para sa pansariling kasiyahan, ngunit kahit wala ito ay makakayanan parin niyang mabuhay.
  • Ano ang kaugnayan ng personal na kagustuhan at pangangailangan sa suliranin ng kakapusan?
    • Ang ekonomiks ay tumatalakay sa paggamit ng limitadong yaman.
    • May ugnayan ang limitadong yaman, pangangailangan, at walang katapusang luho.
    • Halimbawa: suliranin sa langis at limitadong pinagkukunan.
  • Ano ang mga salik na nakakaapekto sa mga pangangailangan ng tao?
    Ang mga salik ay kita, edukasyon, edad, panlasa, at hanapbuhay.
  • Paano nakakaapekto ang kita sa pangangailangan ng tao?
    Ang kita ay isang bagay na isinasaalang-alang sa pagtatakda ng pangangailangan ng mga tao.
  • Paano nakakaapekto ang edukasyon sa pangangailangan ng tao?
    Ang antas o lebel ng edukasyon na natamo ng isang tao ay salik na nakakaaapekto sa kanyang mga pangangailangan.
  • Paano nagbabago ang pangangailangan ng tao habang tumatanda?

    Ang pangangailangan ng tao ay patuloy na nagbabago habang tumatanda ang tao.
  • Ano ang epekto ng panlasa sa pangangailangan ng tao?
    Malaking dahilan ang panlasa na nakakaapekto sa mga pangangailangan ng tao dahil sa kulturang kinalakihan.
  • Paano nakakaapekto ang hanapbuhay sa pangangailangan ng tao?
    Malaki ang epekto ng hanapbuhay sa mga pangangailangan ng tao.
  • Ano ang alokasyon o distribusyon sa ekonomiya?
    • Ang alokasyon ay paghahati-hati ng mga yaman sa iba’t ibang gamit sa produksyon.
    • Tumutukoy ito sa pamamahagi ng mga likas na yaman, yamang tao, at yamang-pisikal.
    • Layunin nitong masagot ang suliraning pang-ekonomiya.
  • Ano ang kaugnayan ng alokasyon sa kakapusan at pangangailangan?

    • Ang distribusyon ay pamamahagi ng mga bagay sa lahat ng sektor ng ekonomiya.
    • Mahalaga ang produksiyon at ang mga katanungan ukol dito.
  • Ano ang mga mahahalagang katanungang pang-ekonomiks?
    1. Ano ang ipoprodyus na produkto o serbisyo?
    2. Paano ipoprodyus ang mga produkto at serbisyo?
    3. Para kanino ipoprodyus ang mga produkto at serbisyo?
    4. Gaano karami ang ipoprodyus?
  • Ano ang mga uri ng sistemang pang-ekonomiya?
    1. Traditional Economy: Nakabatay sa tradisyon at kultura.
    2. Command Economy: Kontrolado ng pamahalaan.
    3. Market Economy: Nakatuon sa supply at demand.
    4. Mixed Economy: Kombinasyon ng iba't ibang sistema, mas nangingibabaw ang market economy.
  • Ano ang nilalaman ng Hirarkiya ng Pangangailangan?
    A) self-acualization
    B) esteem
    C) love-belonging
    D) safety
    E) phsyiological
    F) pangkaligtasan
    G) pisyolohikal
    H) makisalamula, magkasapi, magmahal
    I) mabigyan ng pagpapahalaga ang iba
    J) maitupad ang kaganapan ng tao