Sila Jose Rizal, Graciano Lopez Jaena, Antonio Luna, at Marcelo H. del Pilar ang mga ilustradong makabayan na nagtungo sa Espanya upang magtamo ng karunungang makatutulong sa kanilang layuning magkaroon ng pagbabago o reporma sa pamamalakad ng mga Kastila sa Pilipinas at upang iparating sa mga opisyal ng Inang Espanya ang karaingan ng mga mamamayan.