Dumaong sa dalampasigan ng Pilipinas ang mga Hapon noong 1942.
Nabuo ang isang grupong tinatawag na purista. Sila ang mga nagnanais na gawing Tagalog na mismo ang wikang pambansa at hindi na batayan lamang.
Ayon kay Prof. Leopoldo Yabes, ang Pangasiwaang Hapon ang nag-utos na baguhin ang probisyon sa Konstitusyon at gawing Tagalog ang Pambansang Wika.
Sa panahong ito, Nihonggo at Tagalog ang naging opisyal na wika ng bansa.
Panahon ng Hapon
Tinawag ang panahong ito na "Gintong Panahon ng Tagalog" at "Gintong Panahon ng Panitikan" dahil naging masigla at maunlad ang paggamit ng Wikang Tagalog sa Komunikasyon at Panatikan.
Sa Artikulo IX, Seksiyon 2 ng Konstitusyon ng 1943, nakasaad na "ang Pamahalaan ay magsasagawa ng mga hakbang tungo sa pagpapaunlad at pagpapalaganap ng Tagalog bilang pambansang wika."