Noong Marso 24, 1934, pinagtibay ni Pangulong Franklin D. Roosevelt ng Estados Unidos ang Batas Tydings-McDuffie na nagtatadhanang pagkakalooban ng kalayaan ang Pilipinas matapos ang sampung taong pag-iral ng Pamahalaang Komonwelt.
Noong Pebrero 8, 1935, pinagtibay ng Pambansang Asamblea ang Konstitusyon ng Pilipinas na niratipika ng sambayanan noong Mayo 14, 1935
Ang probisyong pangwika ay nasa Seksiyon 3, Artikulo XIII: "Ang Pambansang Asamblea ay gagawa ng mga hakbang tungo sa pagpapaunlad at pagpapatibay ng isang pangkalahatang pambansang wika na batay sa isa sa mga umiiral na katutubong wika.
Ang nanguna sa paggawa ng resolusyon tungkol sa wikang pambansa ay si Wenceslao Q. Vinzons, kinatawan mula sa Camarines Norte.
Ayon sa orihinal na resolusyon, "Ang Kongreso ay gagawa ng mga hakbang tungo sa pagpapaunlad at pagpapatibay ng isang Wikang Pambansa batay sa mga umiiral na katutubong wika."
Ang Style Committee ang nagbibigay ng huling pasiya sa borador ng Konstitusyon, kaya't nang dumaan ang dokumento ng orihinal na resolusyon sa kanila, nagkaroon ng pagbabago sa resolusyon.
Binago ng Style Committee ang resolusyon at naging probisyon ito sa Seksiyon 3, Artikulo XIV ng Konstitusyon ng 1935: "Ang Kongreso ay gagawa ng hakbang tungo sa pagpapaunlad at pagpapatibay ng isang Wikang Pambansa batay sa isa sa mga umiiral na katutubong wika."
Isa sa mga unang isinagawa ng administrasyong Komonwelt ng noon ay pangulo ng bansa si Manuel L. Quezon ang pagpapatupad ng probisyon ukol sa pambansang wika.
Noong Oktubre 27, 1936, ipinahiwatig ni Pangulong Quezon ang kaniyang plano na magtatag ng Surian ng Wikang Pambansa (SWP).
Noong Nobyembre 13, 1936, pinagtibay ng Kongreso ang Batas Komonwelt Blg. 184, na nagtatag sa unang Surian ng Wikang Pambansa.
Noong Enero 12, 1937, hinirang ni Pangulong Quezon ang mga kagawad ng Surian alinsunod sa Seksiyon 1, Batas Komonwelt 185.
Ang mga kagawad ng unang Surian ng Wikang Pambansa ay sina:
Jaime C. de Veyra (Samar-Leyte) Pangulo
Santiago A. Fonacier (Ilokano) Kagawad
Filemon Sotto (Cebuano) Kagawad
Casimiro F. Perfecto (Bikol) Kagawad
Felix S. Salas (Panay) Kagawad
Hadji Butu (Moro) Kagawad
Cecilio Lopez (Tagalog) Kagawad
Hindi tinanggap ni Sotto ang kaniyang posisyon at pinalitan siya ni Isidro Abad.
Noong Nobyembre 7, 1937, pagkaraan ng halos sampung buwan, inilabas ng Surian ang resolusyon na Tagalog ang gawing batayan ng pambansang wika.
Noong anibersayo ng kamatayan ni Dr. Jose P. Rizal, Disyembre 30, 1937, lumabas ang Kautusang Tagapagpaganap Blg. 134 na nagpapatibay sa Tagalog bilang batayan ng pambansang wika ng Pilipinas.