Rehistro ang tinatawag sa mga espesyalisadong termino gaya ng mga tipiko o teknikal na nagtataglay ng iba't ibang kahulugan sa iba't ibang larangan o disiplina.
Pormal na wika ang ginagamit sa mga pormal na mga pagdiriwang o pangyayari tulad ng pagsimba o pagsamba, sa mga seminar o pagpupulong, sa mga talumpati, sa korte, sa paaralan, at iba pa.
Di-pormal na pagsalita naman ang ginagamit kapag ang kausap ay kaibigan, malalapit na pamilya, mga kaklase, o mga kasing edad, at matagal na kakilala.
Mga Barayti ng Wika
Dayalek
Idyolek
Sosyolek
Etnolek
Ekolek
Dayalek
Ito ang barayti ng wika na ginagamit ng partikular na pangkat ng mga tao mula sa isang partikular na lugar tulad ng lalawigan, rehiyon, o bayan. Halimbawa: Magkain
Idyolek
Ito ang sinasalita ng pangkat ng mga tao na mayroong pansariling paraan ng pagsasalita ang bawat isa. Halimbawa: Noli de Castro - "Magandang gabi Bayan"
Sosyolek
Ito ang barayti ng wikang nakabatay sa katayuan o antas panlipunan o dimensiyong sosyal ng mga taong gumagamit ng wika.
Ayon kay Rubrico (2009), ang sosyolek ay isang mahusay na palatandaan ng istrapikasyon ng isang lipunan, na siyang nagsasaad sa pagkakaiba sa paggamit ng wika ng mga tao na nakapaloob dito batay sa kanilang katayuan sa lipunan at sa mga grupo na kanilang kinabibilangan.
Mga Barayti ng Sosyolek
Gay Lingo
Conyospeak
Jejemon
Jargon
Gay Lingo
Ito'y isang halimbawa ng grupong nais mapanatili ang kanilang pagkakakilanlan kaya naman binago nila ang tunog o kahulugan ng salita. Halimbawa: bigalou - Malaki
Conyospeak
Ito'y isang baryant ng Taglish na may ilang salitang Ingles na inihalo sa Filipino kaya't masasabing code switching na nagyayari. Halimbawa: Let's go kain na.
Jejemon
Ito ay nakabatay sa wikang Ingles at Filipino subalit isinusulat nang may pinaghahalong numero, simbolo, at MALAKI at maliit na titik kaya't mahirap intindihin(si sir) lalo na hindi pamilyar sa jejetypings. Halimbawa: MuztaH - Kamusta
Jargon
Ito ang mga natatanging bokabularyo ng partikular na pangkat na may pagkilala sa kanilang trabaho o gawain. Halimbawa: Exhibit, Appeal, Compliant (Abogado)
Gay Lingo
"churchchill" - sosyal
Conyospeak
"Can I have a sipsip of your Don Mac?"
Jejemon
"8U@nG j0D"
Jargon
Palaging tama, May tama, Mapagkumpara (Adviser)
Etnolek
Ang salitang ito ay nagmula sa etniko at dayalek na taglay nito ang mga salitang nagiging bahagi ng kanilang pagkakakilanlan ng isang pangkat-etniko. Halimbawa: Kalipay - tuwa o ligaya
Ekolek
Ang tawag sa mga salitang ating binabanggit at ginagamit sa pakikipagtalastasan sa bahay. Halimbawa: Nanay - Mama - Mom - Mommy - Mumshie