KPWKP | Wika

Cards (20)

  • Saan nagmula ang salitang "wika"?
    Ito ay nagmula sa salitang Latin na "Lengua" na ang literal na kahulugan ay "dila."
  • Ano ang wika?
    Ito ay ang pangunahing instrumento sa pakikipag-komunikasyon.
  • Ano ang tawag sa taong dalubhasa o nag-aaral ng wika? 

    Lingwistiko
  • Ayon sa kaniya, "ang wika ay masistemang balangkas ng sinasalitang tunog na pinili at isinaayos sa paraang arbitraryo upang magamit sa pakikipag-talastasan ng mga taong nasa iisang kultura."
    Henry Gleason, 1961
  • Ayon sa kaniya, "ang wika ay isang sistemang arbitraryo ng simbolonh pasalita na nagbibigay pahintulot sa mga taong may kultura o ng mga taong natutunan ang ganoong kultura upang makipagtalastasan o ’di kaya’y makipag-ugnayan."
    Finnocchiaro, 1964
  • Ayon sa kaniya, "ang wika ay isang sistema ng mga simbulong arbitraryo ng mga tunog para sa komunikasyong pantao."
    Sturtevant, 1968
  • Ayon sa kaniya, "ang wika ay ang pangunahin at pinakaelaboreyt na anyo ng simbolikong pantao. ang mga simbolong ito ay binubuo ng mga tunog na nalilikha sa aparato ng pagsasaliya at isinasaayos sa mga klase at padron na lumilikha at simetrikal na estruktura."
    Hill, 1976
  • Ayon sa kaniya, "ang wika ay kalipunan ng mga salitang ginagamit at naiintindihan ng isang maituturing na komunidad."
    Webster, 1990
  • Ano-ano ang katangian ng wika?
    • Ang Wika ay Masistemang Balangkas
    • Ang Wika ay masistemang tunog
    • Ang Wika ay Pinipili at Isinasaayos sa Paraang Arbitraryo
    • Ang Wika ay Kabuhol ng Kultura
    • Ang Wika ay Ginagamit sa Pakikipag-komunikasyon
    • Ang Wika ay Dinamiko o Nagbabago
    • Ang Wika ay Natatangi
  • Sino ang Ama ng Balarilang Pilipino at nagpasimula ng abakada?
    Lope K. Santos
  • Ano ang mga parte ng masistemang balangkas?
    Tunog
    Salita
    Pangungusap
    Semantiks
    Diskurso
  • Ano ang tunog o ponema?
    Pinakamaliit na yunit ng tunog na may kahulugan. (Ponemang Katinig o Consonant at Ponemang Patinig o Vowel)
  • Ano ang salita o morpema?
    Pinakamaliit na yunit ng salitang may kahulugan.
  • Ano ang pangungusap o sintaks?
    Masistemang pagkakaayos ng mga salita upang makabuo ng mga paririla at pangungusap.
  • Ano ang semantiks?
    Pag-aaral ng mga kahulugan ng mga salita, parirala at mga pangungusap sa isang wika.
  • Ano ang pangungusap o sintaks?
    Masistemang pagkakaayos ng mga salita upang makabuo ng mga parirala at pangungusap.
  • Ano ang diskurso?
    Pagpapalitan ng impormasyon sa isa’t isa.
  • Ano ang artikulador sa katangiang, "Ang wika ay sinasalitang tunog"?
    Mga bahagi ng katawan na responsable sa paglikha ng tunog. (dila, labi, uvula)
  • Ano ang resonador sa katangiang, "Ang Wika ay Sinasalitang Tunog"?
    Bahagi ng katawan na nagaambag sa kalidad ng lakas ng tunog na nalilikha ng artikulador. (lalamunan, ilong, at bibig)
  • Isang bagay na batay lamang sa personal na pasya o kagustihan, nang walang malinaw na dahilan o sistema.
    Arbitraryo