KPWKP | Ang Kaantasan ng Wika

Cards (17)

  • Ano ang teorya sa pagkatuto ng wika?
    • Ang wika ay natutuhan kung ang isang tao ay may positibong emosyon o pananaw na matuto ng wika.
  • Ano ang kaantasan ng wika?
    • Ang kaantasan ng wika ay nahahati sa pormal at impormal.
  • Ano ang pormal na antas ng wika?
    • Ito ang mga salitang pamantayan o istandard na kinikilala at ginagamit ng nakakarami.
  • Ano ang dalawang uri ng pormal na antas ng wika?
    1. Pampanitikan
    2. Pambansa
  • Ano ang pampanitikan na antas ng wika?
    • Ito ang wikang ginagamit na matalinhaga at masining sa iba't ibang akdang pampanitikan.
  • Ano ang halimbawa ng pampanitikan na wika?
    • Nagmumurang kamatis
    • Nagtataingang kawali
    • Di-mahulugang karayom
    • Di-maliparang uwak
  • Ano ang pambansa na antas ng wika?
    • Salitang madalas gamitin at nauunawaan ng buong bansa.
  • Ano ang halimbawa ng pambansa na wika?
    • Pilosopiya
    • Republika
    • Edukasyon
    • Kagawaran
  • Ano ang impormal na antas ng wika?
    • Ito ay ang wika na karaniwan, palasak, at gamit sa kaswal na usapan.
  • Ano ang tatlong uri ng impormal na wika?
    1. Lalawiganin
    2. Kolokyal
    3. Balbal
  • Ano ang lalawiganin na antas ng wika?
    • Dayalekto o karaniwang sinasalita sa isang rehiyon.
  • Ano ang halimbawa ng lalawiganin na wika?
    • Tanan (lahat)
    • Ambot (ewan)
    • Manong at manang (ate at kuya)
  • Ano ang kolokyal na antas ng wika?
    • Wika na ginagamit sa karaniwang usapan at pang-araw-araw na pakikipag-usap.
  • Ano ang halimbawa ng kolokyal na wika?
    • Pa'no (paano)
    • P're (pare)
    • Te'na (tara na)
  • Ano ang balbal na antas ng wika?

    • Wika o mga salitang ginagamit sa lansangan o kalye.
  • Ano ang halimbawa ng balbal na wika?
    • Ermat (nanay)
    • Bagets (kabataan)
    • Jowa (kasintahan)
  • Paano nabubuo ang mga balbal na salita?
    • Pagbabaliktad ng mga titik
    • Paggamit ng salitang Ingles na may ibang kahulugan
    • Pagbibigay kahulugan sa katunog na pangalan
    • Pagpapalit at pagdaragdag ng maraming pantig