Tumutukoy sa pagkakaiba sa mga katawagan at kahulugan ng salitang ginagamit sa iiba't ibang lugar. Halimbawa: Ibon(Filipino) - Langgam(Sinubuanong Bisaya)
Iba't ibang katawagan ng Pulis (Heograpikal na Barayti ng Wika)
Pulis - Philippines
Polisi - Indonesia
Polizia - Italy
Police - USA
Polizei - Germany
Polis - Sweden
Morpolohiya
Ito ay ang sangay ng lingguwistika na nag-aaral ng morpema o ang pinakamaliit na yunit ng tunog na may kahulugan. Pinag-aaralan dito ang sistema ng pagsasalansan ng mga morpema upang makabuo ng salita na may payak o kumplikadong kahulugan.
Morpolohikal na Varayti
Tumutukoy sa pagkakaiba-iba sa pagbuo ng mga salita dahil sa paglalapi. Halimbawa: Kumain(Tagalog-Maynila) - Nakain(Tagalog-Batangas)
Panlapi
Tumutukoy sa morpema na ikinakabit sa isang salitang-ugat upang makabuo ng isang bagong salita o anyo ng salita.
Mga Uri ng Panlapi
Unlapi
Gitlapi
Hulapi
Kabilaan
Laguhan
Unlapi
Ito ay mga panlaping ikinakabit sa unahan ng salitang-ugat. Halimbawa: Ma- + linis = Malinis
Gitlapi
Ito ay mga panlaping matatagpuan sa gitna ng salitang-ugat. Halimbawa: -um + punta = Pumunta
Hulapi
Ito ay mga panlaping ikinakabit sa huling bahagi ng salitang-ugat. Halimbawa: Una + -han = Unahan
Kabilaan
Ito ay mga panlaping ikinakabit sa unahan at huling bahagi ng salitang-ugat. Halimbawa: Ka- + laya + -an = Kalayaan
Laguhan
Ito ay mga panlaping ikinakabit sa unahan, gitna, at huling bahagi ng salitang-ugat. Halimbawa: Pag- + -um + sikap + -an + Pagsumikapan
Ponolohiya
Ito ang sangay ng lingguwistika na nag-aaral ng mga tunog o ponema ng isang wika, ang pagkukumpara ng mga ito sa mga tunog ng iba pang wika at ang sistema ng paggamit ng mga tunog na ito upang makabuo ng yunit ng tunog na may kahulugan.
Ponolohikal na Varayti
Tumutukoy sa pagbabago sa pagbigkas at tunog ng mga salita ayon sa pangkat ng mga taong gumagamit nito. Halimbawa: Pitaka(Tagalog) - Petaka(Bisaya)
Heograpikal na Varayti - nasa katawagan at kahulugan ang pagkakaiba.
Morpolohikal na Varayti - ang pagkakaiba ay nasa anyo at ispeling ng salita at hindi sa taglay na kahulugan.
Ponolohikal na Varayti - nasa bigkas at tunog ng salita ang pagkakaiba.