Mga Tauhan ng El Filibusterismo

Cards (54)

  • Mayamang mag-aalahas na umano'y tagapayo ng Kapitan Heneral
    Simoun
  • Bumalik sa Pilipinas si Simoun upang bawiin si Maria Clara at maghiganti sa kaniyang mga kaaway
  • dahil nagbebenta si Simoun ng mga alahas, tinitignan siyang makapangyarihan at may mataas na posisyon sa lipunan
  • naniniwala ng iba na si Simoun ang utak sa likod ng mga desisyon at gampanin ng Kapitan Heneral
  • "Naglaglag ako at nagsikap makaipon ng maraming salapi upang maisagawa ang aking layon. Nagbalik upang ibagsak ang masamang pamahalaan, padaliin ang kanyang pagasira kahit na dumanak ng maraming dugo!"
    Simoun
  • makakapaghiganti si Simoun sa pamamagitan ng pagpapayaman at paglalakbay
  • Si Don Custodio ay isang Espanyol na tagapagbigay ng solusyon sa mga suliranin, ngunit ipinapasa ang paglutas ng suliranin sa iba upang lumitaw na walang pinapanigan
  • Si Don Custodio ay mapagpalagay at mapagbalak; mahilig siyang magbigay ng opinyon sa iba't-ibang usapin at puro plano't walang aksiyon
  • "Upang mapaamo ang mga Pilipino, kailangan ulit-ulitin sa kanila araw-araw na sila ay walang kakayahan."
    Don Custodio
  • Abogado na hingian ng payo ng lahat ng tanyag sa Maynilaat hindi tumatanggap ng mga ordinaryong kliyente
    Ginoong Pasta
  • "Ah, mabuti pang ipaubaya na ninyo sa kamay ng pamahalaan ang usapin na iyan. Maghintay kayo."
    Ginoong Pasta
  • Si Basilio ay nag-aaral ng medisina upang makatulong sa bayan. Siya ay mabait at matapat sa kapwa sa kabila ng sinapit na kasawiang-palad nina Sisa at Crispin. Siya ay kilala dahil sa kaniyang sipag at husay sa pag-aaral.
  • Si Juli ang kasintahan ni Basilio
  • "Ang hangarin ko lamang ay gamutin ang sakit ng aking mga kababayan."
    Basilio
  • Si Juli ay isang dalagang labis na mapagmahal, kaya gumawa siya ng paraan upang matubos sa mga tulisan ang ama at mailigtas sa bilangguan si Basilio
  • Maganda, matimpiin, at relihiyosa, ngunit hindi nakapag-aral dahil sa kahirapan
    Juli
  • "Malalaman din niyang pinili ko pang ako ang masanla kaysa masanla ang agnos na binigay niya sa akin."
    Juli
  • Si Juli ay isang katulong na nagtratrabaho sa ibang bahay
  • Apo ni Tandang Selo na sapilitang naging guwardiya sibil
    Tano
  • Bakit nabaril ni Tano si Tandang Selo?
    napagkamalan niyang tulisan ito
  • "Sila'y mga tao rin na katulad natin."
    Tano
  • Pamangkin ni Padre Florentinoat kasintahan ni Paulita Gomez
    Isagani
  • Si Isagani ay isang estudyanteng nag-aaral ng abogasya may mataas na paninindigan at sumusuporta sa pagkakaroon ng Akademya ng Wikang Kastila
  • "Ngunit, tulad po ng ibang tao, nagkakamali rin kaya hindi dapat maging bingi sa kuro-kuro ng iba."
    Isagani
  • Si Padre Fernandez ay Kastilang pari na simbolo ng liberal na pag-iisip o marunong tumanggap ng mga opinyon.
  • "Ang karunungan ay ipinagkaloob lamang sa karapat-dapat at hindi sa mga taong marumi ang kalooban at walang mabuting asal."
    Padre Fernandez
  • Si Padre Florentino ay isang Kurang Indio na nakatira sa malayong lugar. Siya ay isang padreng Filipino na palatanggap sa mga nangangailangan. Siya rin ang amain ni Isagani.
  • "Tanging kabutihan ang makapagliligtas. Ang kaligtasan ay nangangahulugan kabutihan. Ang kabutihan ay pagpapakasakit. Ang pagpapasakit ay pag-ibig."
    Padre Florentino
  • Si Kabesang Tales o Telesfono ay ang anak ni Tata Selo at tatay nila Juli at Tano. Siya ay nahirang na maging cabeza ng kanilang lugar. Ang buong pamilya ng Juan de Dios ay naging biktima ng pangangamkam ng lupa ng korporasyon at kalauna'y naging tulisan.
  • "Sa alikabok tayo babalik, Tatang, at wala tayong saplot noong tayo ay isilang!"
    Kabesang Tales
  • si Tata Selo ay napipi dahil sa labis na dalamhating dinanas ng kaniyang pamilya. Siya ay isang mapagtiis na ama.
  • "Tiisin mo na. Ipagpalagay mo na lamang ang 30 pisong iyon ay natalo sa sugal o kaya'y nahulog sa tubig at sinakmal ng buwaya."
    Tata Selo
  • Siya ay isang maingat na probinsyanong estudyante na ayaw mag-aral dahil sa bulok na sistema ng pagtuturo.
    Placido Penitente
  • "Ipagpaumanhin mo, ngunit hindi ako makalalagda sa anumang hindi ko naiintindahan."
    Placido Penitente
  • Si Ben Zayb ay isang peryodistang mapagpuri sa matataas na opisyal at kilalang tao sa lipunan. Isinasakripisyo niya ang katotohanan upang maiangat ang kaniyang reputasyon. Manunulat na ipinagpalagay na siya lamang ang tanging nag-iisip.
  • "Maaari ko bang isulat ang tungkol sa bagay na iyan?"
    Ben Zayb
  • Ang Kapitan Heneral ay ang pinakamataas na posisyon sa pamahalaan. Kunwari ginagawa ang lahat sa kapakanan ng mga Pilipino, ngunit sa totoo'y ang kapakanan ng mga Espanyol ang mahalaga sa kaniya. Ipinakulong niya si Basilio.
  • "Ano ba ang dapat kong ikatakot? Kaya ba ng isang alila na ako'y ipagsakdal? Walang kabuluhan sa akin ang palagay ng ibang tao."
    Kapitan Heneral
  • Ang mataas na kawani ay ang pangalawa sa may pinakamataas na posisyon sa pamahalaan. Siya ay Kastilang may makatarungang tingin sa lahat. Nagbitiw siya ng posisyon (delikadesa) dahil sa hindi magandang pamamalakad.
  • Si Juanito Pelaez ay isang taong nagmamarunong na anak-mayaman. Siya ay tamad mag-aral at pumapasok lamang upang makita ang mga kaibigan. Siya ang napili ni Paulita Gomez na pakasalan.