Biag ni Lam-ang

Cards (24)

  • Sino ang magulang ni Lam-ang?
    Si Namongan at Don Juan
  • Saan namuhay ang magulang ni Lam-ang?
    Sa Nalbuan, La Union
  • Pagkasilang ni Lam-ang ay nagsalita agad siya at sinabing "Lam-ang"
  • Umalis si Don Juan patungo sa kabundukan upang parusahan ang mga Igorot
  • Siyam na taong gulang si Lam-ang nung siya ay nanaginip
  • Napanaginipan ni Lam-ang na pinatay daw ng mga igorot ang kaniyang ama at ipinagdiriwang ito
  • Sumalakay siya sa mga igorot at pinatay ang mga ito tulong ng kaniyang mga agimat
  • Ang ilog ng Vigan ay pumula dahil sa dugo ng maraming pinatay na igorot
  • Si Lam-ang ay pinaliguan ng mga babae sa Ilog Amburayan
  • Napakarumi niya at nasa katawan pa ang amoy ng kasamaan kaya ang mga lamang tubig ng ilog ay nalason at namatay
  • Nang nasa wastong gulang na si Lam-ang ay nakilala niya si Ines Kanoyan at ito ay kaniyang inibig
  • Pumunta si Lam-ang sa bahay ni Ines Kanoyan at dinala ang dalawa niyang alaga na tandang at aso
  • Papunta sa bahay ni Ines, nakasalubong ni Lam-ang si Sumarang at pinatay niya ito
  • Pinatahol niya ang aso at nabuwal ang tahanan
  • Pinatilaok niya ang tandang at tumayo ang bahay
  • Sumang-ayon ang mga magulang ni Ines kung mapapantayan ni Lam-ang ang kayamanan nila ng ginto at lupain
  • Humingi ng dote na binubuo ng mga kagamitan at kasangkapang yari sa lantay na ginto
  • Nagbigay ng bangkang puno ng kayamanan si Lam-ang
  • Dumating ang pinuno ng bayan-bayanan nila para ipaalala kay Lam-ang na nakatakda ito sa paghuli ng isdang rarang
  • Bago lumakad si Lam-ang ay sinabi niya kay Ines na may pahiwatig siya na mapapatay at makakain siya ng malaking isdang berkahan
  • Sinabi ng mahiwagang tandang kay Ines na mabubuhay muli si Lam-ang kung matitipon niya ang mga buto ni Lam-ang
  • Sa tulong ng maninisid na si Marcos ay natipon ang mga buto ni Lam-ang
  • Sa pamamagitan ng pagtilaok ng tandang, pagtahol ng aso, at mataimtim na hangarin ni Ines ay nabuhay muli si Lam-ang
  • Pitong araw nagkalayo si Ines at Lam-ang