Pagsulat ng Tula

Cards (8)

  • Tema
    • Anong paksa ang nais sulatin?
    • Ano ang maidadulot nito sa iyo at sa iyong mga mambabasa?
  • Pamagat
    • Mahalaga bumuo ng pamagat sa pagsisimula pa lamang ng tula, bagaman maaari ding gawin ang pamagat pagkatapos ng tula. Importante rin na ang pamagat ay kaugnay ng nilalaman ng tula.
  • Estilo
    • Tumutukoy ito sa uri o anyo ng tulang susulatin. Malayang taluturan ba o may sukat at tugma?
  • Simbolismo
    • Nakakatulong ito upang pag-isipang mabuti ng mambabasa ang iyong tula. Ibig sabihin, hindi mo direktang tutukuyin ang nais ipahayag. Maaaring gumamit ng anumang bagay bilang simbolo ng nais mong sabihin.
  • Sukat
    • Ito ang bilang ng pantig sa bawat taludtod. Maaaring magkaroon ng isang sukat sa kabuuan ng tula o kaya naman ay depende sa bubuin ng makata.
  • Taludtod
    • Tumutukoy ito sa linya o hanay ng mga salita sa isang tula.
  • Saknong
    • Ito ang pinagsama-sama o kalipunan ng taludtod. Maaaring dalawahan (kopla), tatluhan (terseto), apatan (kwarteto), limahan (kinteto), at animan (seset).
  • Inspirasyon
    • Bakit at para kanino ka susulat ng tula?
    • Walang maglilimita sa iyo sa pagpili ng inspirasyon.
    • Ito ang magdudulot sa iyo ng kawiling sumulat at makalikha ng isang maituturing mong obra.