tungkulin ng wika

Cards (9)

    • Tungkulin ng Wika Isang proseso ng pagpapalitan ng impormasyon na kadalasan na ginagawa sa pamamagitan ng karaniwang sistema ng mga simbolo ang komunikasyon
  • Nilahad ni Michael A.K. Halliday(1973) ang pangkalahatang tungkulin ng wika upang mapag-aralan natin kung papaano napapakilos o napagagalaw ng wika ang lahat ng bagay sa mundo. Nabuo niya ang pitong tungkulin ng wika batay sa iba’t ibang yugto ng pagkakagamit ng isang bata
    1. Instrumental(Conative) - Tungkulin ng wikang tumutugon sa mga pangangailangan. Pangangailangan ng tao.Kailangan maging malinaw at tiyak ang pangangailangan, naiisip, o nararamdaman sa ibang partikular na gawain.
    -Matugunan ang pangangailangan ng isang tao sa pisikal, emosyonal, o sosyal nangangailangan.
    -Madalas, nagagamit ang tungkuling ito sa pakikiusap o pag-uutos.
     
    Hal. - Pagsulat ng liham pangangalakal
           - Pag-uutos o pakiusap
            -Pagpapakita ng mga patalastas tungkol sa isang produkto
    1. Regulatori/Regulatoryo(Conative)- Tumutukoy ito sa kakayahang makaimpluwensya at makakontrol sa ugali o asal ng ibang tao at magbigay gabay sa kilos o asal sa ibang tao. Ito rin ang nagtatakda kung ano ang dapat o hindi dapat o dapat gawin ng isang tao.
     
    Hal. - Pagbibigay ng mga patakaran, paalala, panuto, mga gabay o patuntunan.
           -Nagbibigay direksyon sa anomang bagay
    1. Heuristiko/Heuristic(Informative)- Ginagamit sa pag-aaral at pagtuklas upang makapagtamo ng kaalaman ukol sa kapaligiran.
     -Ginagamit sa paghahanap o paghingi ng impormasyon upang makatamo ng iba’t ibang kaalaman sa mundo.
     -Madalas din itong ginagamit sa paaralan upang makapagtamo ng kaalamang akademik at propesyunal.
    -Imbestigasyon
    Pagbibigay-depinisyon
    -Pagsusur
     
    1. Interaksiyonal(Phatic)- Ginagamit sa pagbubukas ng interaksiyon o humuhubog ng panlipunang ugnayan.
    -Ito ang may gampaning pag-ugnayin ang isang tao at ang kaniyang kapwa sa paligid.
    -Ang paggamit ng salitang “Ikaw at Ako” ay may hudyat sa ganitong gamit ng wika.
    HAL. KOMUSTA KA
    1. Personal(Expressive at Emotive)- Ginagamit sa pagpapahayag ng personalidad o damdamin ng isang indibidwal.
    -Paglalahad ng sariling opinyon o kuro-kuro.
    -Palakasin ang personalidad at pagkakakilanlan ng isang indibidwal.
    -Nagpapahayag ng sariling opinyon.
    1. Representatibo/Impormatibo(Informative)- Ginagamit sa paglalahad ng impormasyon, datus, at nakalap na ideya na inirerepresenta sa iba’t ibang paraan.
    -Paggamit ng tao sa pagbabahagi ng impormasyon, mga pangyayari, makapagpahayag ng detalye, makapagpadala at makatanggap ng mensahe sa iba.
     
    Hal. - “May sasabihin ako sayo”.
    -Pag-uulat
    -Forum/Pulong/Meeting
    -Paggamit ng mga estadistika.
    1. Imahinasyon/Imahinatibo(Poetic)(Expressive)- Ginagamit sa pagpapahayag ng imahinasyon, maging mapaglaro ng mga salita, at lumilikha ng bagong kapaligiran o bagong daigdig.
    -Ginagamit ng tao ang wika sa pagpapalawak ng kanyang imahinasyon HALIMBAW TULA, PICK UP LINE