GAMIT NG WIKA

Subdecks (1)

Cards (17)

  • Wika ang midyum na ginagamit natin sa komunikasyon. Wika ang instrumento sa paghahatiran ng mensahe at palitan ng reaksyon ng mga nag-uusap. May mga gamit ang wika ayon sa intensiyon ng nagsasalita
  • Roman Jacobson - isang dalubhasa sa wika at panitikan.
                                   - isang magaling na dalubwikang Amerikano noong ikalawang siglo.
                                   - ayon sa kanya kabilang sa mga gamit  ng wika ang conative, informative, labeling, phatic, emotive, at expressive
    1. Conative - sa mga sitwasyong naiimpluwensyahan natin ang isang tao sa pamamagitan ng pakiusap at pag-uutos.
                   - ito ay gamit ng wika na kung saan ginagamit ang paghimok at pag-impluwensya sa iba sa pamamagitan ng pag-uutos at pakiusap
    1. Informative - ito ay gamit ng wika na kung saan nagbibigay ng impormasyon.
                  - sa mga sitwasyong may gusto tayong ipaalam sa isang tao, nagbibigay ng mga datos at kaalaman, at nagbabahagi sa iba ng mga impormasyong nakuha o narinig natin.
    1. Labeling - ang gamit ng wika kapag nagbibigay tayo ng bagong tawag o pangalan sa isang tao o bagay. Madalas nagbibigay tayo ng bagong pangalan, tawag, o bansag sa mga tao at bagay sa pagkakakilala o pagsusuri natin sa kanila. Sinusuri natin ang mga taong nakakasalamuha natin ang kanilang ugali, pisikal na anyo, trabaho, hilig, gawi, at iba pa. Ang pagsusuri natin sa kanila ay nagbibigay-daan para bansagan o bigyan natin sila ng label o tawagan.
    1. Phatic - unang bahagi lamang ng pangungusap.
            - social talk o small talk sa ingles.
           - ginagamit bilang pagbati.
           - nagpapakita ng pakikipagkapwa tao o pakikipag-ugnayan.
           - parirala na mga salita.
    1. Emotive - pandamdamin (emotion).
                  - pagpapahayag ng mga saloobin, damdamin, at emosyon.
                  - sinasabi natin ang ating nararamdaman.
    1. Expressive - gamit ng wika na nakatutulong sa atin upang mas makilala at maunawaan tayo ng ibang tao.
         - pag-buo ng isang kaaya-ayang relasyon sa ating kapwa.
         - sa ilang usapin, personal man o panlipunan, nabanggit natin ang
          ating mga saloobin o kabatiran, ideya, at opinyon na gamit natin sa wika.
     - hindi maiiwasan sa pakikipag-usap na nabanggit natin ang ilang bagay tungkol sa ating sariling paniniwala, pangarap, mithiin, panuntunan sa buhay, kagustuhan, at marami pang iba.