Filipino 10

Cards (73)

  • Ano ang mitolohiya?

    Ang mitolohiya ay isang halos makakabit-kabit na kumpol ng mga tradisyonal na kuwentong mito ng mga diyos na nagbibigay ng mga paliwanag hinggil sa mga likas na kaganapan.
  • Ano ang mga pangunahing tema ng mitolohiya ng Taga-Rome?
    Ang mitolohiya ng Taga-Rome ay kadalasang tungkol sa politika, ritwal, at moralidad.
  • Paano naapektuhan ng Kristyanismo ang mitolohiya ng Taga-Rome?
    Mula sa sinaunang taga-Rome, ang katutubong rehiyon ay napalitan ng Kristyanismo.
  • Saan hinalaw ang mitolohiya ng Taga-Rome?
    Ang kanilang mitolohiya ay hinalaw mula sa Greece na kanilang sinakop.
  • Ano ang ginawa ng mga taga-Rome sa mitolohiya ng Greece?
    Inangkin at ipangyaman nila nang husto ang mitolohiya ng Greece.
  • Ano ang mga pangunahing diyos at diyosa sa mitolohiya ng Greece at Rome?
    • Greek: Zeus / Roman: Jupiter
    • Greek: Hera / Roman: Juno
    • Greek: Poseidon / Roman: Neptune
    • Greek: Hades / Roman: Pluto
    • Greek: Ares / Roman: Mars
    • Greek: Apollo / Roman: Apollo
    • Greek: Athena / Roman: Minerva
    • Greek: Artemis / Roman: Diana
    • Greek: Hephaestus / Roman: Vulcan
    • Greek: Hermes / Roman: Mercury
    • Greek: Aphrodite / Roman: Venus
    • Greek: Hestia / Roman: Vesta
  • Sino ang hari ng mga diyos ng kalawakan at panahon sa mitolohiya ng Greece at Rome?
    Si Zeus sa Greece at si Jupiter sa Rome.
  • Ano ang simbolo ni Poseidon sa mitolohiya?
    Ang kabayo ang kanyang simbolo.
  • Ano ang papel ni Hades sa mitolohiya?
    Siya ang panginoon ng Impyerno.
  • Ano ang simbolo ni Ares sa mitolohiya?

    Ang buwitre ang ibong maiuugnay sa kaniya.
  • Ano ang mga katangian ni Apollo sa mitolohiya?
    Siya ay diyos ng propesiya, liwanag, araw, musika, at panulaan.
  • Ano ang simbolo ni Athena sa mitolohiya?

    Ang kuwago ang ibong maiuugnay sa kanya.
  • Ano ang papel ni Artemis sa mitolohiya?
    Siya ang diyosa ng pangangaso, ligaw na hayop, at buwan.
  • Ano ang papel ni Hephaestus sa mitolohiya?
    Siya ang diyos ng apoy at bantay ng mga diyos.
  • Ano ang papel ni Hermes sa mitolohiya?
    Siya ang mensahero ng mga diyos at may kinalaman sa paglalakbay, pangangalakal, siyensya, pagnanakaw, at panlinlang.
  • Ano ang papel ni Aphrodite sa mitolohiya?

    Siya ang diyosa ng kagandahan at pag-ibig.
  • Ano ang papel ni Hestia sa mitolohiya?

    Siya ang diyosa ng apoy mula sa pugon.
  • Ano ang mga pangunahing tauhan sa Mitolohiyang Filipino?
    • Bathala: Maykapal sa lahat at tagapaglikha ng mundo.
    • Idianale: Diyosa ng paggawa at mabuting mga gawa.
    • Dumangan: Diyos ng magandang aning bigas.
    • Dian Masalanta: Diyosa ng mga nagmamahalan at kapayapaan.
    • Anitun Tabun: Diyosa ng hangin at ulan.
    • Dimakulem: Tagapagbantay ng mga bundok.
    • Libulan: Diyos ng buwan at patron ng homosekswalidad.
    • Amihan: Diyos ng hangin.
    • Aman Sinaya: Diyosa ng dagat.
  • Ano ang papel ni Bathala sa Mitolohiyang Filipino?

    Siya ang tagapaglikha ng mundo at tagapag-subaybay ng katauhan.
  • Ano ang paboritong sabihin ng mga tao na umaasa sa biyaya ni Bathala?
    "Bahala na!" ang paboritong sabihin ng mga taong umaasa sa biyaya ni Bathala.
  • Ano ang papel ni Idianale sa Mitolohiyang Filipino?
    Siya ang diyosa ng paggawa at mabuting mga gawa.
  • Ano ang papel ni Dumangan sa Mitolohiyang Filipino?

    Siya ang dahilan ng magandang aning bigas.
  • Ano ang papel ni Dian Masalanta sa Mitolohiyang Filipino?

    Siya ang diyosa ng mga nagmamahalan, panganganak, at kapayapaan.
  • Ano ang nangyari kay Dian Masalanta nang umibig siya sa isang mortal?
    Ipinatapon siya sa mundo g mga tao bilang parusa, ngunit labis siyang ikinasaya dahil makakasama na niya ang kaniyang mahal.
  • Ano ang papel ni Anitun Tabun sa Mitolohiyang Filipino?
    Siya ang diyosa ng hangin at ulan.
  • Ano ang papel ni Dimakulem sa Mitolohiyang Filipino?
    Kilala siya bilang tagapagbantay ng mga bundok.
  • Ano ang papel ni Libulan sa Mitolohiyang Filipino?
    Siya ang Diyos ng Buwan at patron ng homosekswalidad.
  • Ano ang kwento tungkol kay Sidapa sa Mitolohiyang Filipino?
    Ayon sa ibang kuwento, naakit siya ng kagandahan ni Libulan at niligawan ito, hindi iniisip na pareho ang kanilang kasarian.
  • Ano ang papel ni Amihan sa Mitolohiyang Filipino?

    Siya ang diyos ng hangin at isa sa unang tatlong nilalang sa mundo.
  • Ano ang mga demi-gods sa Mitolohiyang Filipino?
    • Hanan: Diyosa ng Umaga.
    • Mayari: Diyosa ng Buwan.
    • Tala: Diyosa ng mga Bituin.
  • Ano ang papel ni Apalaki sa Mitolohiyang Filipino?
    Siya ang Diyos ng Araw at patron ng mga mandirigma.
  • Ano ang nangyari sa mga anak ni Bathala sa isang mortal?
    Nag-away sila kung sino ang dapat na nagmana ng kanyang trono at naglaban hanggang sa mabulag si Mayari.
  • Ano ang papel ni Sitan sa Mitolohiyang Filipino?
    Siya ang Diyos ng Lower World at pinuno ng kasamaan.
  • Ano ang papel ng mga alagad ni Sitan?
    Sila ay tumutulong kay Sitan sa pag-akit ng mga mortal na gumawa ng masama.
  • Ano ang papel ng Manggagaway sa Mitolohiyang Filipino?

    Siya ay isang makapangyarihang mangkukulam na kayang pahabain o paikliin ang buhay ng tao.
  • Ano ang papel ng Mangkukulam sa Mitolohiyang Filipino?

    Siya ang pinaka-makapangyarihang witch na sinisilaban ang bahay ng kanyang biktima.
  • Ano ang papel ng Shapeshifters sa Mitolohiyang Filipino?

    Sila ay kayang manakit ng kahit sino sa pamamagitan lamang ng salita.
  • Ano ang papel ni Mapulon sa Mitolohiyang Filipino?
    Siya ang Diyos ng mga Panahon at asawa ni Lakapati.
  • Ano ang papel ni Aring Sinukuan sa Mitolohiyang Filipino?
    Siya ang Sun God of War and Death sa Kampampangan Region.
  • Ano ang mga Anito sa Mitolohiyang Filipino?

    • Mga diwata na inatasan ni Bathala na mamuhay kasama ang mga mortal.