Mga inaasahan ng sambahayan sa hinaharap na may kinalaman sa presyo ng bilihin, kita, at estado ng pamumuhay sa Lipunan. Kapag inaasahang mas mataas ang presyo sa hinaharap, maaaring mas mataas ang pagkonsumo ngayon. Gayon din, kapag inaasahang mas mataas ang kita sa hinaharap, maaaring makaapekto ito ngayon sa pagkonsumo.