Kabanata 2: Pagpoproseso ng Impormasyon Para sa Komunikasyon

Cards (36)

  • Komunikasyon
    Ang komunikasyon ay mula sa salitang latin na 'communis' na nangangahulugang 'karaniwan' o 'panlahat' . Isang proseso ng pagpapadala at pagtanggap ng impormasyon na maaaring berbal o di berbal.
  • Mga Uri ng Komunikasyon
    Berbal na Komunikasyon
    Di-berbal na Komunikasyon
    Pasulat na Komunikasyon
    Biswal na Komunikasyon
  • KAHALAGAHANNG KOMUNIKASYON
    • Kahalagang Pansarili
    • Kahalagahang Panlipunan
    • Kahalagahang Pangkabuhayan
    • Kahalagahang Pampulitika
  • Tagapaghatid ng Impormasyon 

    Siya ang pinagmumulan o nagpadala ng impormasyon, ideya, o mensahe. Ang tagahatid ay maaaring isang tao, grupo, o institusyon na may layuning ipabatid ang kanilang nais iparating sa tagatanggap.
  • Tagatanggap ng Impormasyon 

    Siya ang tumatanggap o pinagdadalhan ng impormasyon mula sa tagahatid. Ang tagatanggap ang nagpoproseso at umuunawa sa mensahe upang mabigyan ito ng kahulugan, at kung minsan ay tumutugon o nagbibigay ng feedback
  • Mensahe
    Nilalaman ng mensahe ang kaisipan, damdamin, ideya, pag-uugali at sentimiyento na gustong maipabatid o maibahagi ng pinagmulan ng impormasyon
  • Tsanel o Daluyan

    Ito ay tumutukoy sa midyum na dinadaluyan ng mensahe upang maipaabot sa tagatanggap ng mensahe. Mayroong dalawang kategorya ang daluyan o tsanel. Maaaring ito ay sensori o kaya naman ay institusyonal (soundwaves).
  • Fidbak o Tugon

    Ito ay tumutukoy sa naging sagot ng tagatanggap, maaaring berbal o di berbal na pagsagot base sa impormasyon na natanggap mula sa tagapaghatid nito.
  • Pook o Tagpuan
    Ito ay tumutukoy sa sikolohikal, sosyal, kultural, at pisikal na kalagayan ng pinaggaganapan ng komunikasyon.
  • Semantikong Sagabal 

    tumutukoy sa maaaring pagkakaiba ng interpretasyon sa mensahe na nais ipabatid
  • Pisikal na Sagabal 

    maaring mula sa ayos o anyo ng paligid kung nasaan ang taong nag-uusap, maaaring may distraksyong biswal, suliraning teknikal, maging ang kalagayan ng mga taong nag-uusap
  • Pisyolohikal na Sagabal 

    matatagpuan sa pangangatawan ng tagapaghatid o tagatanggap ng mensahe, maaaring ito ay kapansanan sa kaniyang kakayahang makapagsalita, makarinig, o makakita.
  • Sikolohikal na Sagabal 

    tumutukoy ito sa kultura na kinalakihan ng tao na maaaring maging sagabal sa interpretasyon ng mensahe.
  • INTRAPERSONAL NA KOMUNIKASYON

    Tinatawag ito na pinakamababang antas ng wika. Ito ay tumutukoy sa komunikasyong pansarili.
  • INTERPERSONAL NA KOMUNIKASYON

    Komunikasyon na nagaganap sa pagitan ng dalawa o higit pang tao kung saan mayroong tagapagsalita at tagapakinig. Ito rin ang pakikipagtalastasan sa iba’t ibang indibidwal tungkol sa paksa.
  • KOMUNIKASYONG PAMPUBLIKO
    Nagaganap ang komunikasyong ito sa pagitan ng isa at malaking pangkat ng tao, kung saan ang isang indibidwal ang umaaktong tagapagsalita habang ang madla ang umaakto bilang tagapakinig.
  • KOMUNIKASYONG PANGMADLA
    Itinuturing na isang uri ng one-way communication. Ito ang komunikasyon na gumagamit ng midyang pangmasa gaya ng telebisyon, radio, pahayagan, at iba pang teknolohiya.
  • KOMUNIKASYONG PANG-ORGANISASYON
    Komunikasyon na nagaganap sa loob ng isang grupo o pangkat. Kabilang na dito ang mga pagpupulong o talakayan na isinasagawa.
  • KOMUNIKASYONG PANGKULTURA
    Ginagamit ang gantong uri ng komunikasyon sa pagpapakilala ng kultura. Karaniwang natatagpuan sa mga tribo o etnik groups.
  • KOMUNIKASYONG PANGKAUNLARAN
    Ang komunikasyong ito ay naglalayong gamitin sa pagpapaunlad sa aspekto ng buhay ng tao sa industriya, ekonomiya at iba pa.
  • MODELO NI ARISTOTLE
    Nagpapakita ng linyar (linear) na katangian ng komunikasyon.
    Layunin ng komunikasyong ito ay maimpluwensiyahan at mabago ang damdamin ng mga tagapakinig.
    A) ispiker
    B) mensahe
    C) awdyens
  • MODELO NI SCHRAMM
    • Willbur Schramm Ang tinaguriang “Father of Communication Study”
    • Nagpakilala sa proseso ng encoding at decoding — proseso ng two-way komunikasyon.
    • Nagbigay ng kahalagahan ang katangiang pangkaasalan (human behavior) ng tao sa proseso ng komunikasyon
    A) message
    B) interpreter
    C) decoder
    D) encoder
    E) decoder
  • MODELONG INTERAKTIBONG KOMUNIKASYON (1954)

    Batay sa modelo, maaring magkaroon ng magkaibang pagpapakahulugan ang tagapaghatid at tagatanggap ng mensahe batay sa kanilang naging karanasang may kaugnayan sa impormasyong inilahad.
    Dito niya inilahad ang kahalagahan ng karanasan upang lubos na maunawaan ng naglalahad at tumatanggap ang senyas at reaksyong binibigay.
    A) karanasan
    B) pinanggalingan
    C) encoder
    D) signal
    E) decoder
    F) tagatanggap
  • MODELONI BERLO (SMCR)

    One-way communication ang nagaganap sapagkat walang nabubuong feedback
    nakabatay sa apat na elemnto ng pakikipagtalastasan:
    1.Source - Ang pinagmumulan ng mensahe
    2. Mensahe - salita, tunog, ekspresyon ng mukha, kumpas, galaw ng katawan.
    3. Pinagdaranan ng senyas - daluyan ng mensahe gaya ng light waves, telepono, telegrama, radyo, email, text, cellphone
    4.Tumatanggap ng mensahe
    A) sagot
    B) sagot
    C) sagot
    D) sagot
  • MODELONI LASWELL (1948)
    • Binuo ni Lasswell ang kanyang modelo upang pag-aralan ang mass media, ngayon ang kanyang system ay ginagamit din upang pag-aralan ang komunikasyon sa interpersonal o pangkatang grupo.
    • Ang pangunahing ideya ng modelo ay pag-aralan ang paraan kung saan maaaring baguhin ng isang tagapagbalita ang kanyang paraan ng pakikipag-usap sa isang paraan na partikular na naapektuhan nito ang tumatanggap ng mensahe.
    A) tagahatid
    B) mensahe
    C) midyum
    D) impak
  • MODELONI DANCE (1967) 

    Ang komunikasyon ay isang tuloy-tuloy (constantly developing) na proseso na kung saan hindi napuputol o natitigil dahil ito ay patuloy na umiinog at walng eksaktong simula o katapusan
  • paraan ng paghango ng batis ng impormasyon
    • Pagtatala
    • Paggamit ng Internet
    • Debrief
    • Mga koneksiyon
  • Iba'tibang hanguan o batis ng impormasyon:
    1. Primaryang batis ng impormasyon
    • Mga indibidwal o awtoridad.
    • Mga grupo or organisasyon tulad ng pamilya, asosasyon, union, fraternity, katutubo o mga minorya, samahan, at gobyerno.
    • Mga relihiyon, sistema ng pag-aasawa, legal at ekonomikong mga sistema.
    • Mga konstitusyon, batas, kasunduan, orihinal na tala, katitikan ng korte, sulat, journal, talaarawan, at iba pang orihinal na dokumento.
  • Iba'tibang hanguan o batis ng impormasyon:
    2. Sekondaryang batis ng impormasyon
    • Mga aklat tulad ng diksyunaryo, encyclopedia, taunang ulat o yearbook, almanac at atlas.
    • Mga nalathalang artikulo sa journal, magazine, pahayagan, at newsletter.
    • Mga thesis, disertasyon at fisibiliti, nailathala man ang mga ito o hindi.
    • Mga monograph, manual, polyeto, manuskrito at iba pa.
  • Hanguang elektroniko
    1. Anong uri ng website ang tinitingnan?
    2. Sino ang may akda?
    3. Ano ang layunin?
    4. Paano inilahad ang impormasyon?
    5. Makatotohanan ba ang teksto?
    6. Ang impormasyon ba ay napapanahon?
  • eager beaver- ngiti nang ngiti o tango nang tango ang habang nagsasalita sa kanyang harapan
  • sleeper- walang intensyong makinig, nasa iang sulok lamang
  • tigre- laging handang magbigay ng reaksyon sa kausap na para bang tigre
  • bewildered- kahit anong pilit ay walang maintindihan sa naririnig
  • busy bee- abala sa ibang gawain habang nakikinig tulad ng nakikipagtsismisan, nagsusulat
  • two eared listener- pinakaepektibo, nakikinig gamit ang utak at tainga sa pakikinig