Maikling kwento at ang kwintas

Cards (23)

  • Ano ang maikling kuwento?
    Ito ay likha ng bungang-isip na hango sa isang bahagi ng buhay na tunay na nangyari o maaaring mangyari.
  • Bakit mabilis ang galaw ng maikling kuwento?
    Dahil ito'y may makitid na larangan at tuloy-tuloy ang pagsasalaysay.
  • Ano ang mga katangian ng mga pangungusap sa maikling kuwento?
    Matipid at payak ang mga pangungusap.
  • Ilan ang mga tauhan sa maikling kuwento?
    Kakaunti ang mga tauhan na lagi nang may pangunahing tauhan.
  • Ano ang paksa ng maikling kuwento?
    Payak o karaniwan ang paksa.
  • Ano ang tagal ng panahon na sinasakop ng maikling kuwento?
    Maikli ang panahong sinakop.
  • Ano ang mga elemento ng maikling kuwento?
    1. Tauhan - mga panauhin sa kwento.
    2. Tagpuan - kung saan naganap ang kwento.
    3. Banghay - pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari.
    4. Kaisipan - mensahe ng kwento sa mambabasa.
    5. Suliranin - problemang kinakaharap ng tauhan.
    6. Tunggalian - maaaring tao laban sa tao, tao laban sa sarili, tao laban sa lipunan, o tao laban sa kalikasan.
  • Ano ang tauhan sa maikling kuwento?
    Ito ay tumutukoy sa mga panauhin sa kwento.
  • Ano ang tagpuan sa maikling kuwento?
    Ito ay tumutukoy kung saan naganap ang kwento.
  • Ano ang banghay sa maikling kuwento?
    Ito ay tumutukoy sa pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa kwento.
  • Ano ang kaisipan sa maikling kuwento?
    Ang mensahe ng maikling kwento sa mambabasa.
  • Ano ang suliranin sa maikling kuwento?
    Tumutukoy sa problemang kinakaharap ng tauhan sa kwento.
  • Ano ang tunggalian sa maikling kuwento?
    Maaaring tao laban sa tao, tao laban sa sarili, tao laban sa lipunan, o tao laban sa kalikasan.
  • Ano ang dalawang uri ng tauhan sa maikling kuwento?
    1. Tauhang Bilog - nagbabago ang katauhan ng tauhan sa kabuuan ng akda.
    2. Tauhang Lapad - tauhan kung saan hindi nagbabago ang pagkatao mula simula hanggang katapusan.
  • Ano ang tauhang bilog sa maikling kuwento?
    Nagbabago ang katauhan ng tauhan sa kabuuan ng akda.
  • Ano ang tauhang lapad sa maikling kuwento?
    Tauhan kung saan hindi nagbabago ang pagkatao mula simula hanggang katapusan.
  • Ano ang kohesyong gramatikal?
    Tumutukoy sa paraan kung paano napag-uugnay ang mga bahagi ng isang teksto o pangungusap upang magkaroon ng malinaw at magkakaugnay na kahulugan.
  • Bakit mahalaga ang kohesyong gramatikal sa isang teksto?
    Dahil nagiging mas madali para sa mga mambabasa at tagapakinig na maunawaan ang daloy ng ideya.
  • Ano ang panghalip?
    Ito ang tawag sa mga salitang ipinapalit sa mga pangngalan.
  • Ano ang anapora?
    Ito ay panghalip na ginagamit sa hulihan bilang pananda sa pinalitang pangngalan sa unahan ng pangungusap.
  • Ano ang halimbawa ng anapora?
    Sina Bonifacio at Sulayman ang mga bayaning Pilipino. Sila ay mga dakilang Manileño.
  • Ano ang katapora?
    Ito ay panghalip na ginagamit sa unahan bilang pananda sa pinalitang pangngalan sa hulihan ng pangungusap.
  • Ano ang halimbawa ng katapora?
    Ito ay isang dakilang lungsod. Ang Maynila ay may makulay na kasaysayan.