Mga Elemento at Bahagi ng Alamat

Cards (18)

  • Ano ang ibig sabihin ng alamat sa wikang Ingles?
    Legend at folklore
  • Ano ang nilalaman ng alamat?
    Ang alamat ay naglalaman ng tungkol sa pinagmulan ng mga bagay-bagay sa mga daigdig.
  • Paano nagsasalaysay ang alamat tungkol sa mga tao at pook?

    Minsan, nagsasalaysay ito ng mga pangyayari hinggil sa tunay na mga tao at pook.
  • Anong mga aspeto ang tinatalakay ng alamat?
    Tumatalakay ito sa mga katutubong kultura, kaugalian o kapaligiran.
  • Saan nagmula ang mga alamat?
    Ang mga alamat ay kadalasang mga kathang-isip na nagpasalin-salin buhat sa ating mga ninuno.
  • Ano ang pagkakapareho ng alamat sa maikling kwento at mga pabula?
    Ang mga alamat ay kinapupulutan din ng aral na sumasalamin sa kultura ng isang bayang pinagmulan.
  • Ano ang mga elemento ng alamat?
    1. Tauhan
    2. Tagpuan
    3. Saglit na kasiglahan
    4. Tunggalian
    5. Kasukdulan
    6. Kakalasan
    7. Katapusan
  • Ano ang tauhan sa alamat?
    Ang tauhan ay ang mga nagsiganap sa kwento at kung ano ang papel na ginagampanan ng bawat isa.
  • Ano ang tagpuan sa alamat?
    Inilalarawan dito ang lugar na pinangyarihan ng mga aksyon at insidente, gayundin ang panahon kung kailan ito nangyari.
  • Ano ang saglit na kasiglahan sa alamat?
    Ang saglit na kasiglahan ay naglalahad ng panandaliang pagtatagpo ng mga tauhang masasangkot sa suliranin.
  • Ano ang tunggalian sa alamat?
    Ang tunggalian ay nagsasaad sa pakikitunggali o pakikipagsapalaran ng pangunahing tauhan laban sa mga suliraning kakaharapin.
  • Ano ang kasukdulan sa alamat?

    Ang kasukdulan ay ang pinakamadulang bahagi kung saan maaaring makamtan ng pangunahing tauhan ang katuparan o kasawian ng kanyang ipinaglalaban.
  • Ano ang kakalasan sa alamat?
    Ang kakalasan ay ang bahaging nagpapakita ng unti-unting pagbaba ng takbo ng kwento mula sa maigting na pangyayari sa kasukdulan.
  • Ano ang katapusan sa alamat?
    Ang katapusan ay ang bahaging maglalahad ng magiging resolusyon ng kwento, maaaring masaya o malungkot, pagkatalo o pagkapanalo.
  • Ano ang mga bahagi ng alamat?
    • Simula: Inilalarawan ang mga tauhan at tagpuan.
    • Gitna: Kabilang ang saglit na kasiglahan, tunggalian, at kasukdulan.
    • Wakas: Kabilang ang kakalasan at katapusan.
  • Ano ang nilalaman ng simula sa alamat?
    Inilalarawan ang mga tauhan sa kwento, ang kanilang papel, at ang tagpuan o lugar at panahon ng pinangyayarihan ng insidente.
  • Ano ang nilalaman ng gitna sa alamat?
    Kabilang sa gitna ang saglit na kasiglahan, tunggalian, at kasukdulan ng kwento.
  • Ano ang nilalaman ng wakas sa alamat?
    Kabilang naman sa wakas ang kakalasan at katapusan ng kwento.