AKADEMYA – tumutukoy sa institusyong pang – edukasyon na maituturing na haligi sa pagkamit ng mataas na kasanayan at katarungan
Ayon kay Vivencio Jose (1996) isang mahusay na manunulat at historyador, sa kanyang sanaysay na mula sa aklat ng mga Piling Diskurso sa wika at Lipunan , epektibong magagamit ang Filipino sa loob ng akademya
Obhetibo - ang mga datos na isusulat ay batay sa kinalabasan ng ginawang pag – aaral at pananaliksik.
PORMAL- iwasan ang paggamit ng mga kolokyal Sa halip gumamit tayo ng mga pormal na salita na madaling maunawaan ng mga mambabasa. Nararapat ding maging pormal pagdating sa paghahatid o paglalahad ng mga kaisipan.
Maliwanag at Organisado -ang paglalahad ng mga kaisipan ay kinakailangang maging malinaw at organisado.
May Paninindigan -mahalagang mapanindigan ng sumulat ang paksang nais niyang bigyang – pansin o pag – aralan. Mag pokus tayo sa paksang gusto nating ipahayag, hindi dapat pabago bago ang paksa
May Pananagutan - sa paggawa ng sulatin, ang mga pinagkukuhanang impormasyon ay kinakailangang mabigyan ng pagkilala. Kinakailangan nitong mapanagutan ng isang manulat
ABSTRAK - uri ng lagom na karaniwang ginagamit sa pagsulat ng mga akademikong papel tulad ng tesis, papel na siyentipiko at teknikal, lektyur at mga report.
SINTESIS -uri ng lagom na kalimitang ginagamit sa mga akdang nasa tekstong naratibo tulad ng kuwento , salaysay, nobela , dula at parabula
BIONOTE - uri ng lagom na ginagamit sa pagsulat ng personal profile ng isang tao.
PANUKALANG PROYEKTO - isang kasulatan na mungkahing naglalaman ng mga plano ng gawaing ihaharap sa mga tao
TALUMPATI -isang uri ng sining na maipapakita rito ang katatasan at kahusayan ng tagapagsalita sa panghihikayat upang paniwalaan ang kanyang paniniwala.
ADYENDA -ang nagtatakda ng mga paksang tatalakayin sa pulong.
KATITIKAN NG PULONG -ang opisyal na tala ng isang pulong
POSISYONG PAPEL -pagsalig o pagsuporta sa katotohanan ng isang kontrebersyal na isyu sa pamamagitan ng pagbuo ng isang kaso o usapin
REPLEKTIBONG SANAYSAY -isa sa mga tiyak na uri ng sanaysay na may kinalaman sa introspeksiyon na pagsasanay
PICTORIAL ESSAY – isang sulatin na kung saan mas nakakarami ang larawan kaysa sa salita
LAKBAY – SANAYSAY -tinatawag na travel essay o travelogue . Layuning maitala ang mga naging karanasan sa paglalakbay
Ayon kay Philip Koopman sa kanyang aklat na How to Write an Abstrak, ang abstrak ay maikli lamang, tinataglay nito ang mahahalagang element o bahagi ng sulating akademiko tulad ng introduksiyon, kaugnay na literature, metodolohiya resulta at konklusyon
Sipnosis/ Sintesis o Buod - Isang uri ng lagom na kalimitang ginagamit sa mga akdang nasa tekstong naratibo tulad ng kuwento, talumpati, nobela, dula, parabula, salaysay at iba pang anyo ng panitikan
Salaysay - ito ay paglalahad ng isang serye ng magkakaugnay na mga pangyayare o karanasan
Sanaysay - isang komposisyon na naglalaman ng pananaw ng may akda, dito naipapahayag ng may akda ang kanyang damdamin at saloobin sa mambabasa
“Ang sanaysay ay isang kasangkapan upang isatinig ang maikling pagbubulay bulay at komentaryo sa buhay”- FrancisBacon
“Ang sanaysay ay salaysay ng mga taong sanay sa pagsasalaysay”- Alejandro Abadilla
Sa pagsulat ng synopsis mahalagang maibuod ang nilalaman ng binasang akda gamit ang SARILINGSALITA
Sa pagsulat ng synopsis, mahalagang maipakilala sa mga babasa nito kung anong akda ang iyong ginawan ng buod sa pamamagitan ng pagbanggit ng Pamagat, May-Akda at Pinanggalinagan ng akda
Ayon kay Duenas at Sanz (2012) sa kanilang aklat na Academic Writing for Health and Sciences , ang bionote ay tala sa buhay ng isang tao na naglalaman ng buod ng kanyang academic career na madalas ay makikita o mababasa sa mga journal, aklat , abstrak ng mga sulating papel , web sites at iba pa.