Tinawag na Alibata o Baybayin ang unang alpabeto. Binubuo ito ng 17 titik na hawig sa ginagamit ng mga Indones. Ito ay may tatlong (3) patinig at labing apat (14) na katinig.
Binuo ni Lope K. Santos sa kanyang Balarila ng Wikang Pambansa (1940) ang abakada na may 20 titik.
Sa aklat ni MahistradoIgnacioVillamor na pinamagatan sa Ingles na The Ancient FIlipino Writing ay inilahad ang kuro-kuro na ang ating Abakadang Pilipino ay nagbuhat sa Abakadang Malayo.
Ang mga Pilipino noong uinang panahon ay sumusulat buhat sa kaliwa pakanan.
Naging sulatan nila ang mga sariwang kawayan, palapangniyog, at dahonngsaging sa tulong ng matalim na bagay.
Ang mga ninuno nating Indones ay nagdala sa ating bansa ang kanilang mga salita, epiko, alamat, at mga tula. Gayon din ang mga Intsik, Bumbay, Arabo, Persyano, Kambodyan, at Malaya.
Dahil sa hindi nasakop ng mga Kastila ang Mindanao, dito naimbak ang mga katutubong panitikan.
Marami rin tayong panitikang pasalin-saling bibig na bawat salinhali. Mayroon tayon alamat, mito, epiko, tula, tugma, awit, dula, at iba pa.
Ayon kay Lacascas (1943), ang mga Kastila ay maraming nakuhang manuskripto o akda na itinuturing nilang gawa ng mga Diyablo. Ang mga akda na ito ay sinunog ng mga Kastila upang malimutan ng mga Pilipino.
Hindi nalipol ang lahat ng palatandaan ng ating katutubong panitikan. ayon kay Dr.Alejandro (1949), ang nalabing matandang panitikang Pilipino ay nahahali sa tatlong uri:
Kuwentong Bayan
Karunungang Bayan
Awiting Bayan
Sinabi ni Padre Chirino na may 33 manuskriptong sinunog sa Balayan, Batangas.
Sinabi ni Sinibaldo de Mas na sila ay may dinatnang tulangTagalog ngunit ito ay hindi malaas na uri.
Ayon kay Padre Colin, noong unang panahon ay may mga Pilipinong mang-aawit na nagsasaulo ng mga awitingnagsasalaysay ng kasaysayan ng mga ginagawangkanilangDiyos.
Ayon kay EpifanodelosSantos, talagang may panitikang Tagalog dito na 'di mapag-aalinlangan.
Sina Morga, Totanes, Bravo, Blancas de San Jose, at Placencia ay nagsipagsabing "Sa mga Indio ay likas at katutubo ang tula at pagtula."