EPIKO

Cards (8)

  • Epiko
    • isang akdang pampanitikang nagmula sa iba't ibang pangkat etniko, rehiyon, lalawigan ng bansa.
    • Isang uri ng panitikang pasalindila.
  • Mayroon nang epiko ang mga lahi sa Pilipinas bago pa man makarating sa atin ang salitang EPIKO. Ang salitang ito ay mula sa salitang Griyegong EPOS na nangangahulugang salawikain o awit.
  • Kandu - ang tawag ng mga Iloko, Ifugao at Waray sa Epiko.
  • Mga Epiko sa Pilipinas
    • BIAG NI LAM-ANG NI PADRE BUKANEG SA ILOKO
    • IBALON SA BIKOL NA ININGATAN NI PADRE JOSE CASTANO NOONG IKA-19 NA DANTAON
    • HADIONG (IBALON AT ASLON) SA BIKOL
    • MARAGTAS SA VISAYAS
    • DARANGAN - ANG PINAKAMAHABANG EPIKO NG PILIPINAS NA GALING SA MINDANAO. NAKAPALOOB DITO ANG PRINSIPE BANTUGAN, INDARAPATRA, AT SULAYMAN AT BIDASARI.
    • HUDHUD AT ALIM SA IFUGAO NG CAR (CORDILLERA ADMINISTRATIVE REGION)
    • BIDASARI NG MGA MALAY
    • TULALANG NG MGA MANOBO
    • ULALIM NG MGA KALINGA
    • DAGOY AT SUDSUD NG MGA TAGBANUA
    • KABUNIYAN AT BENDIAN NG MGA IBALOI
  • Ginagamit ang mga epiko sa mga ritwal at pagdiriwang upang maitanim at mapanatili sa isipan ng mga mamamayan ang mga kinagiswang ugali at paniwala, gayundin ang mga tuntunin sa buhay na pamana ng ating mga ninuno.
  • Isa sa pinakalitaw na katangian ng epiko ay ang pagkakaroon nito ng mga pangyayaring di-kapani-paniwala o puno ng kababalaghan.
  • Ang epiko ay ginagamit ng ating mga ninuno upang maipakita ang kanilang pagpapahalaga, tradisyon, paniniwala, mithiin, at layunin sa buhay.
  • Bagama't pasalaysay, ang epiko ay isang tula na inaawit o binibigkas na pakanta.