Taong 2006 hanggang 2018, tinatayang ang kabuoang sukat ng kagubatan ng Pilipinas ay nasa 15,805,325 ektarya ayon sa Philippine Forestry Statistics ng DENR o Department of Environment and Natural Resources. Nasa 15,050,316 ektarya ang bahaging klasipikado bilang pampublikong kagubatan samantalang 755,009 ektarya ang hindi klasipikado. Ang kagubatan sa Pilipinas ay karaniwang rainforest, Mayroon itong walong uri lowland evergreen o dipterocarp forest, lower montane forest, mossy forest, pine forest, beach forest, mangrove forest, limestone o molave forest, at ultrabasic o dwarf forest.