TEKSTONG NARATIBO L2

Subdecks (3)

Cards (37)

  • Ang pagsasalaysay o pagkukuwento ay karaniwang nangyayari kapag nagkitakita o nagsalo na ang mag-anak o maging ang magkakaibigan subalit minsan, ang salaysay ay hindi lang basta naibabahagi nang pasalita. Sa halip, naitatala rin sa mga pahina ng isang talaarawan. Hindi halos nararamdaman ng nagsusulat na siya'y bumubuo na pala ng isang kuwento, amg kanyang sariling kuwentong bahagi ng isang uri ng teksto, ang tekstong naratibo.
  • Ang tekstong naratibo ay pagsasalaysay o pagkukuwento ng mga pangyayari sa isang tao o mga tauhan, nangyari sa isang lugar at panahon, o sa isang tagpuan nang may maayos na pagkakasunod-sunod mula simula hanggang katapusan. Pangunahing layunin ng ganitong uri ng teksto ang makapagsalaysay ng mga pangyayaring nakapanlilibang o nakapagbibigay-aliw o saya. Gayundin naman, ang naratibo ay nakapagtuturo ng kabutihang asal, mahahalagang aral, at mga pagpapahalagang pangkatauhang tulad ng kahalagahan ng pagiging mabuti at tapat,
  • tekstong Naratibo ay pasalaysay o pakuwento
    Ng mga pangyayari sa isang tao o mga pangyayari sa
    isang lugar nang may maayos na pagkakasunod-
    sunod mula simula hanggang katapusan.
  • URI NG TEKSTONG NARATIBO PIKSYON AT DI PIKSYON
  • URI NG TEKSTONG NARATIBO DI PIKSYON: 1. EXPOSITORY NARRATIVE 2. HISTORICAL NARRATIVE 3. NARRATIVE OF ADVENTURE 4. BIOLOGICAL NARRATIVE 5. ANECDOTE 6. SKETCH
  • URI NG TEKSTONG NARATIBO PIKSYON: 1. DULA 2. NOBELA 3. EPIKO 4. MAIKLING KWENTO 5. PARABULA
  • May lba't ibang Pananaw o Paningin (Point of View) sa Tekstong Naratibo : 1. Unang Panauhan 2. Ikalawang Panauhan 3. Ikatlong Panauhan 4. Kombinasyong Pananaw
  • Unang Panauhan - sa pananaw na ito, isa sa mga tauhan ang nagsasalaysay ng mga bagay na
    kanyang nararanasan, naalala, o naririnig kaya gumagamit ng panghalip na "ako”.
  • Ikalawang Panauhan - dito mistulang kinakausap ng manunulat ang tauhang pinagagalaw niya
    sa kuwento kaya 't gumagamit siya ng mga panghalip na "ka" o "ikaw" subalit tulad ng unang
    nasabi, hindi ito gaanong ginagamit ng mga manunulat a kanilang pagsasalaysay.
  • Ikatlong Panauhan - ang mga pangyayari sa pananaw na ito ay isinasalaysay ng isang taong
    walang relasyon sa tauhan kaya ang panghalip na ginagamit niya sa pagsasalaysay ay "siya". Ang
    tagapagsalaysay ay tagapag-obserba lang at nasa labas siya ng mga pangyayari.
  • Kombinasyong Pananaw o Paningin- Dito, hindi lang iisa ang tagapagsalaysay kaya't iba't ibang
    pananaw o paningin ang nagagamit sa pagsasalaysay. Karaniwan itong nangyayari sa isang nobela
    kung saan ang mga pangyayari ay sumasakop sa mas mahabang panahon at mas maraming tauhan
    ang naipakikilala sa bawat kabanata.
  • Ano ang mga uri ng ikatlong panauhan sa pananaw?
    1. Maladiyos na panauhan
    2. Limitadong panauhan
    3. Tagapag obserbang panauhan
  • Mga Paraan ng Pagpapahayag ng Dayalogo, Saloobin, o Damdamin sa Tekstong Naratibo: 1. Direkta o Tuwirang Pagpapahayag : Sa ganitong uri ng pagpapahayag, ang tauhan ay direkta o tuwirang nagsasaad o nagsasabi ng
    kanyang dayalogo, saloobin, o damdamin. Ito ay ginagamitan ng panipi. 2. Di direkta o Di tuwirang Pagpapahayag
    Ang tagapagsalaysay ang naglalahad sa sinasabi, iniisip, o nararamdaman ng tauhan sa
    ganitong uri ng pagpapabayag. Hindi na ito ginaganlitan ng panipi.
  • TAUHAN: Sila. ang mga gumaganap sa
    teksto. Sila ang nagbibigay buhay
    sa isang akda.
    2 URI NG TAUHAN (EM FOSTER)
    1. TAUHANG BILOG ( MAY PAGBABAGO)
    2. TAUHANG LAPAD ( DI NAGBABAGO)
  • Tagpuan at Panahon :lto ay tumutukoy sa lugar
    kung saan nagaganapang
    pangyayari sa akda, at sa
    panahon. (oras, petsa, taon)
  • Tagpuan at Panahon
    Ang tagpuan ay tumutukoy hindi lang ang lugar kung saan naganap ang mga pangyayari sa akda
    kundi gayundin ang panahon (oras, petsa, taon) at maging ang damdaming umiiral sa kapaligiran
    nang maganap ang mga pangyayari tulad ng kasayahang dala ng pagdiriwang sa isang kaarawan,
    takot na umiiral dahil sa malakas na hampas ng hangin at ulang data ng bagyo, romantikong paligid
  • Banghay
    Ito ang tawag sa maayos na daloy o pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa mga tekstong
    naratibo upang mabigyang-linaw ang temang taglay ng akda.
  • Banghay: Dito naman nakapaloob ang
    balangkas ng tekstong naratibo.
    simuLA, SAGLIT NA KASIGLAHAN,
    SULlRANIN O TUNGGALlAN,
    KASUKDULAN, kakalasan AT WAKAS,
  • 3 URI NG TUNGGALIAN
    1. TAO LABAN SA TAO
    2. TAO LABAN SA KALIKASAN O LIPUNAN
    3. TAO LABAN SA SARILI
  • Paksa o Tema
    Ito ang sentral na ideya kung saan umiikot ang mga pangyayari sa kuwento. Mahalagang malinang
    ito ng husto sa kabuuan ng akda upang mapalutang ng may-akda ang pinakamahalagang
    mensaheng nais niyang maparating sa kanyang mambabasa.