filipinooooo

    Cards (72)

    • Ano ang kahulugan ng replektibong sanaysay?
      Ang replektibong sanaysay ay nangangahulugang pag-uulit o pagbabalik-tanaw.
    • Anong uri ng panitikan ang replektibong sanaysay?
      Isa itong uri ng panitikan na napapabilang sa anyong tuluyan o prosa.
    • Ano ang layunin ng replektibong sanaysay?

      Ang layunin nito ay maipahayag ang pansariling pananaw at damdamin sa isang partikular na pangyayari.
    • Ano ang mga katangian ng isang replektibong sanaysay ayon kay Bunnz (2017)?

      Ang replektibong sanaysay ay mapanuri, mapanuya, nagpapatawa, pampolitika, pangkasaysayan, pampilosopiya, pampanitikan, panggunita, pangkabutihang-asal at iba pang damdamin.
    • Ano ang pangunahing layunin ng replektibong sanaysay?
      Hindi lamang matalakay ang natutuhan kundi maipararating ang pansariling karanasan.
    • Ano ang sinasagisag ng replektibong sanaysay ayon kay Cruz (2002)?

      Sumasagisag ito sa pagbabatid kung ano ang tema, estruktura, at punto de vista ng sanaysay.
    • Ano ang mga konsiderasyon sa pagsusulat ng replektibong sanaysay?
      • Pagandahin ang panimulang bahagi.
      • Ang kongklusyon ay dapat magkaroon ng repleksiyon sa lahat ng tinalakay.
      • Malinaw na nailahad ang punto ng manunulat.
      • Suriin ng ilang ulit ang naisulat na repleksiyon.
    • Ano ang mga hakbang sa pagsusulat ng replektibong sanaysay?
      1. Pumili ng paksang nais mo.
      2. Ilista ang lahat ng naiisip o ideya tungkol sa paksa.
      3. Magsagawa ng pagbabasa o pagsasaliksik.
      4. Sumulat ng paunang burador.
      5. Basahing muli ang burador at magdagdag o magbura ng mga detalye.
      6. Isulat ang unang rebisyon ng sulatin.
    • Ano ang agenda o adyenda sa isang pormal na pagpupulong?
      Ito ay talaan ng mga paksang tatalakayin sa isang pormal na pagpupulong.
    • Bakit mahalaga ang adyenda sa pagpupulong?
      Nililinaw nito ang layunin at detalye ng mga paksang tatalakayin.
    • Ano ang mga halimbawa ng agenda sa pagpupulong?
      • Pagpaplano ng isang kompanya.
      • Pagpaplano ng isang eskwelahan.
      • Pagpaplano ng isang grupo ng estudyante.
      • Pagpaplano ng isang pamilya.
      • Pagpaplano ng isang grupo ng kabataan.
    • Sino ang karaniwang gumagawa ng agenda?
      Ang mga responsable tulad ng presidente, CEO, direktor, at tagapamahala.
    • Ano ang mga bahagi ng agenda?
      • Introduksyon
      • Pagtala ng Bilang ng dumalo
      • Pagpresenta at pagtalakay sa adyenda
      • Karagdagang impormasyon
      • Pangwakas na salita
    • Ano ang mga layunin sa pagsulat ng agenda ayon kay Henry Robert III?
      1. Nagsisilbing gabay tunguhin para sa pagpupulong.
      2. Nagbibigay balangkas sa gaganaping pagpupulong.
      3. Nagsisilbing talaan ng mga usapin.
      4. Nagbibigay impormasyon sa mga kalahok.
      5. Nagpapagaan sa paghahanda ng katitikan.
    • Ano ang mga hakbang sa pagbuo ng epektibong agenda ayon kay Henry Robert III?
      1. Pagbibigay ng pamagat sa Agenda.
      2. Isulat ang "Sino, Saan at Kailan."
      3. Sumulat ng maikling pahayag ng layunin.
      4. Sumulat ng balangkas ng iskedyul.
      5. Maglaan ng oras para sa Q&A.
      6. Iwasto ang agenda bago ipamahagi.
    • Ano ang mga anyo ng agenda?
      1. Pormal na pagtitipon
      2. Impormal na pagpupulong
      3. Malayang pagpupulong
      4. Proyektong pagpupulong
      5. Presentasyong pagpupulong
    • Ano ang posisyong papel ayon kay Gabelo (2017)?

      Isang teknikal na papel na nagpapahiwatig ng matibay na paninindigan tungkol sa isang isyu.
    • Ano ang nilalaman ng posisyong papel?
      Naglalaman ito ng tiyak na paninindigan at mga katuwiran o ebidensiya para suportahan ang paninindigan.
    • Ano ang mga elemento ng posisyong papel?
      • Pahayag ng tanong o dahilan.
      • Pahayag ng Posisyon.
      • Pagkilala sa mga isyu.
      • Kahulugan ng mga termino (kung kinakailangan).
    • Ano ang unang hakbang sa pagsulat ng posisyong papel?
      Tiyakin ang paksa.
    • Ano ang dalawang paraan sa pagbuo ng paksa para sa posisyong papel?
      Reaksiyon tungkol sa isang isyu at tugon sa isang suliraning panlipunan.
    • Ano ang hakbang sa paggawa ng panimulang saliksik para sa posisyong papel?
      Magbasa ng diyaryo o magtanong ng opinyon sa mga may awtoridad sa paksa.
    • Ano ang dapat gawin sa hakbang na bumuo ng posisyon o paninindigan?
      Batay ito sa mga impormasyon at ebidensiya na nakalap.
    • Ano ang posisyong papel ayon kay Gabelo (2017)?
      Isang teknikal na papel na nagpapahayag ng matibay na paninindigan tungkol sa isang kilalang isyu.
    • Ano ang layunin ng posisyong papel?
      Upang ipahayag ang tiyak na paninindigan ng isang indibidwal o grupo tungkol sa isang makabuluhan at napapanahong isyu.
    • Ano ang nilalaman ng posisyong papel?
      May mga katuwiran o ebidensiya para suportahan ang paninindigan.
    • Ano ang mga elemento ng posisyong papel?
      • Pahayag ng tanong o dahilan na kailangan
      • Pahayag ng Posisyon
      • Pagkilala sa mga isyu at mga punto na pagtatalunan
      • Kahulugan ng mga termino (kung kinakailangan)
    • Ano ang dalawang paraan sa pagbuo ng paksa?
      1. Maaaring reaksiyon tungkol sa isang isyu (Hal. Legalisasyon ng Marijuana)
      2. Maaaring tugon sa isang suliraning panlipunan (Hal. Pagbabalik ng Death Penalty)
    • Ano ang layunin ng panimulang saliksik sa pagsulat ng posisyong papel?
      Upang mapalalim ang pag-unawa sa usapin.
    • Paano dapat isagawa ang mas malalim na saliksik?
      Sa pamamagitan ng pagsangguni sa mga aklat, akademikong journal, at mga ulat ng mga ahensiya ng pamahalaan.
    • Ano ang balangkas sa pagsulat ng posisyong papel?
      1. Introduksyon: Ipinakilala ang paksa at konteksto.
      2. Mga katuwiran ng kabilang panig: Ipaliwanag ang bawat katuwiran.
      3. Mga sariling katuwiran: Isa-isang ihahanay ang sariling katuwiran.
      4. Mga pansuporta sa sariling katuwiran: Palawigin ang mga paliwanag at maglagay ng ebidensya.
    • Ano ang huling hakbang sa pagsulat ng posisyong papel?
      Ibahagi ang posisyong papel sa publiko.
    • Ano ang layunin ng lakbay-sanaysay bilang akademikong sulatin?
      • Pagsasalaysay batay sa lugar na napuntahan
      • Makapagpabatid ng kakaibang impormasyon
      • Maayos na pagsasalaysay hinggil sa paglalarawan ng lugar
    • Ano ang mga hakbangin sa pagsulat ng isang lakbay-sanaysay?
      1. Maglikom ng impormasyon mula sa lugar.
      2. Lumikha ng makabagong estratehiya sa paglalarawan.
      3. Bigyang-diin ang mga lugar dasalan.
      4. Isulat sa paraang personal.
    • Ano ang mga elemento ng pinanood na programang pampaglalakbay?
      1. Tagapagdaloy
      2. Lugar
      3. Pamumuhay
      4. Pagkain
      5. Heograpiko at Kasaysayan
      6. Transportasyon
      7. Relihiyon
      8. Wika
      9. Kultura
      10. Populasyon
    • Ano ang tagapagdaloy sa programang pampaglalakbay?
      Taong tagapagsalaysay sa mga pangyayari sa simula at pagtatapos ng paglalakbay.
    • Ano ang layunin ng pamumuhay sa programang pampaglalakbay?

      Pagpapakilala sa antas ng kabuhayan ng isang lugar.
    • Ano ang pangunahing atraksyon sa nilalaman ng isang paglalakbay?
      Pagkain na ipinakikilala ang tampok at katangi-tanging pagkain.
    • Ano ang layunin ng heograpiko at kasaysayan sa programang pampaglalakbay?
      Panimulang pagpapakilala sa lugar hinggil sa tamang lokasyon at mga natatanging impormasyon.
    • Ano ang layunin ng transportasyon sa programang pampaglalakbay?
      Pagpapakilala sa paraan at gamit na sasakyan sa lugar na itinampok.
    See similar decks