PAGKILALA AT PAGTUGON SA PAGBABAGO NG KLIMA

Cards (26)

  • Ayon sa Intergovernmental Panel on Climate Change (IPCC), ang pagbabago ng klima ay pangmatagalang pagbabago na umaabot nang dekada o mas mahaba pa at sanhi ng mga pinagsama-samang pangyayari at aktibidad sa kalikasan at ng mga gawain ng tao mula sa nakaraan hanggang sa kasalukuyan
  • Ang natural na pagbabago ng klima ay dulot ng pagbabago sa iba’t ibang aspekto ng panahon
  • Ang artipisyal na uri naman ng pagbabago ng klima ay iniuugnay sa iba’t ibang mapaminsalang gawain ng tao
  • global warming ay ang tuloy-tuloy at mabilis na pag-init ng mundo dahil sa pagtaas ng lebel ng greenhouse gases sa atmospera ng daigdig.
  • Ang El Niño ay kondisyon ng panahon na karaniwang inuugnay sa tag-init o tagtuyot na nagdudulot ng pagkatuyo ng mga anyong tubig. Ito ay nagbubunsod ng kakapusan o ng pagkaubos ng suplay ng tubig sa mga kabahayan, irigasyon, at mga industriya.
  • ang La Niña ay kabaliktaran ng El Niño, kung saan ay higit na mababa kaysa normal ang temperatura ng karagatan. Nagdudulot nito ng labis na pag-ulan na nagreresulta naman sa pagbabaha at pagkasira ng mga kabahayan at pananim.
  • Gawain ng mga tao na nakakaapekto sa pagbabago ng klima:
    • Pagmimina
    • Pagsusunog
    • Basura sa dagat
    • Labis na pagpuputol ng puno
    • Labis na gamit ng tubig
    • Pag-unlad at labis na paggamit ng teknolohiya
  • Pagmimina – Nasisira ang mga kabundukan kung kaya nagkakaroon ng pagguho ng lupa (landslide) at dumudumi ang maliliit na ilog at daluyan ng tubig
  • Pagsusunog at kaingin – Nauubos ang mga puno at nakakalbo ang mga bundok na siyang tumutulong sa pagsipsip ng tubig sa tuwing malubha ang pag-ulan at siya ring nakatutulong upang mabawasan ang pagtaas ng temperatura.
  • Basura sa dagat – Ang pananatili ng basura sa dagat at mga anyong tubig ay nakakapagpalala ng pagbaha
  • Labis na pagpuputol ng puno – Ang pagputol sa mga puno ay maaaring makapagpalala ng baha at init, at maging dahilan ng pagguho ng lupa (landslide)
  • Labis na gamit ng tubig – Ang labis at di tamang paggamit ng tubig ay nagdudulot ng pagkasira sa ecosystem dahil ang tubig ang isa sa mga pangunahing pangangailangan ng mga puno at hayop.
  • Pag-unlad at labis na paggamit ng teknolohiya – Ang teknolohiya ay may hatid na ginhawa, ngunit ang labis namang gamit nito ay maaaring makaapekto sa ating klima dahil sa mga basura at nakalalasong hangin na resulta ng paggamit ng mga produktong teknolohiko
  • Iba't ibang dimensiyon ng pagbabago ng klima:
    • Pampolotika
    • Pang-ekonomiya
    • Panlipunan
    • Pangkapaligiran
  • Philippine Disaster Risk Reduction and Management Act of 2010 – Ito ay isang batas na naipasa noong 2010 na nagtatag ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), ang ahensiya na siyang may tungkulin sa kahandaan at sa pagharap sa mga kalamidad
  • Clean Air Act of 1999 – Ito ay isang alituntunin na naglalayong pangalagaan ang kalinisan ng hangin sa ating bansa. Naglalaman din ng mabigat na parusa ang batas na ito sa mga pagawaan at iba pang establisimyento na nagdudulot ng polusyon sa hangin
  • Climate Change Act of 2009 – Ito ang batas na nagsulong ng pagkatatag ng Climate Change Commission, isang ahensiya ng pamahalaan na siyang tututok sa lahat ng programa na may kinalaman sa pagbabago ng klima
  • Kamakailan ay napagkasunduan ng iba’t ibang bansa na palawigin at paigtingin ang pagresolba sa pagbabago ng klima sa ginanap na pagpupulong sa Paris, Pransiya. Ang mga bansang ito ay kabilang sa European Union na masigasig na nagtataguyod ng mga hakbang at programa ukol sa pagbabago ng klima. Kung kaya noong 2016 ay nilagdaan ng mga bansa ang Kasunduan sa Paris. Ang kasunduan ng mga bansa sa Pransiya ay nagpapahiwatig ng masidhing suporta ng mayayamang bansa upang bawasan ang mga gawaing magpapalala sa kalagayan ng mundo batay sa aspektong pangkapaligiran
  • Ang pagbabago ng klima ay nagdudulot ng pagbagal o pagtigil ng mga gawaing pang-ekonomiya tulad ng produksiyon at pagbili ng mga produkto
  • Ang pagbabago ng klima ay nagdudulot ng dagdag na gastusin sa pamahalaan.
  • Ito ay direktang nakaaapekto sa uri at paraan ng pamumuhay ng mga tao sa bawat komunidad?
    Dimensiyong Panlipunan
  • Ito ay isyung tumutukoy sa pagbabago ng iba’t ibang aspekto ng klima gaya ng temperatura, lebel ng tubig sa mga karagatan, at iba pa.?
    Dimensiyong Pangkapaligiran
  • Republic Act 9729 ang bumuo sa Climate Change Commission of the Philippines noong 2009. Ito ang ahensiya ng pamahalaan na inatasang manguna sa gawain upang tugunan ang mga suliraning dala ng pagbabago ng klima sa ating bansa
  • Ang Republic Act 10174 ang batas na nagpatibay sa Republic Act 9729. Binigyan ng karagdagang pondo, kagamitan, at kapangyarihan ang Climate Change Commission of the Philippines, gaya ng paghahanda ng “survival fund,” upang mas mapalakas pa ang ilang programang tumutugon sa pagbabago ng klima
  • Ang Philippine Strategy on Climate Change Adaptation ay binuo noong 2009. Ang layunin ng alintuntuning ito ay mapalawak ang pakikilahok ng iba’t ibang sektor sa mga gawain at programang tumutugon sa pagbabago ng klima.
  • Ang pamahalaang nasyonal ay bumuo rin ng National Framework Strategy on Climate Change noong 2010 na may layuning tipunin ang iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan upang matugunan ang mga epekto ng pagbabago ng klima