HAMON NG PANDARAYUHAN O MIGRASYON

Cards (22)

  • Ang pandarayuhan o migrasyon ay usaping naglalarawan sa paglipat o paggalaw ng mga tao mula sa pamayanang kinaroroonan nila patungo sa ibang pamayanan sa loob ng lokal na komunidad o kaya ay sa ibang bansa
  • Migrasyon – Ito ay tumutukoy sa paglipat ng isang tao o grupo ng mga tao mula sa isang lugar na kanilang tinitirhan patungo sa ibang lugar
  • Ang migrasyon ay maaring maging lokal o internasional
  • Mga anyo na na nagsasanhi sa migrasyon
    • Paglipatan ng pamayanan mula pook rurla patungong pook urban at vice versa
    • Permanente o panandaliang paglipat ng isang tao mula sa sairiling bansa patungo sa ibang bansa
    • Kaguluhan at kalamidad
  • Ang International Organization for Migration ay isang ahensiya ng United Nations bilang paggalaw ng mga tao, samahan ng mga tao, maging ito man ay patungo sa ibang bansa o lokal na pamayanan ng isang estado
  • Ayon sa Organisation for Economic Co-operation and Development (OECD), ang mga tao sa mayayamang bansa ay siyang may mas mataas na kakayanan na lumipat patungo sa ibang bansa o pamayanan.
  • Batay naman sa pag-aaral na ginawa ng International Labor Organization (ILO), ang mahihirap na bansa naman ang siyang pinagmumulan ng mga mag-aaral, manggagawa, at imigrante na maaaring naghahanap ng mas magandang oportunidad sa ibang bansa.
  • Ang mga bansa sa Europa at ang bansang Estados Unidos ang siyang nakakapagpadala ng tao sa iba’t ibang panig ng mundo dahil sa taglay nilang yaman at kaalaman ayon kay Muha (2016).
  • Dati, ang pananaw sa pandarayuhan ng mga Pilipino ay para makapagtrabaho at magkaroon ng pagkakakitaan sa ibang bansa sa pag-asang mapaunlad ang buhay ng kanilang pamilyang maiiwan sa Pilipinas. Subalit sa kasalukuyan, ang pandarayuhan ay kadalasang iniuugnay na sa pag-aaral, turismo, at paglipat ng pamayanan batay sa pag-aaral na isinagawa ni Tabuga (2018) ng Philippine Institute for Development Studies
  • Uri /Dahilan kung bakit madaming tao ay nagdadayaruhan:
    • Upang magkaroon ng maunlad na kabuhayan.
    • Mayroong trend sa loob ng tiyak na haba ng panahon.
    • Kaguluhan ng isang pamayanan.
    • Kalamidad at sakuna
    • Upang makaiwas sa sakuna, kalamidad, ata kaguluhan.
  • Ang diaspora ay tumutukoy sa paglipat ng mga tao at ng kanilang pamilya mula sa bansa ng kapanganakan patungo sa ibang bansa habang napananatili ang matibay na ugnayan sa bansang pinanggalingan
  • Ang ganitong uri ng pandarayuhan ay nangyayari dahil sa pagkakaroon ng mga manggagawa ng oportunidad na makapagtrabaho gaya na lamang ng mga nars at iba pang nasa medikal na propesyon
    Trend o Karaniwang Kalakaran
  • Ang refugee ay mga tao na umaalis sa isang lugar na may kaguluhan o sakuna patungo sa isang lugar o pamayanan kung saan sila ay tatanggapin.
  • Ang mga IDP (Internally displaced person) ay mga tao na napilitang lumikas sa ligtas na lugar upang maiwasan ang epekto ng sakuna o ng kaguluhan.
  • Ang migrasyon ay nakaaapekto sa kaunlarang pang-ekonomiya ng isang bansa. Ang pagtanggap ng mga migrante ng isang bansa ay maaaring makapag-ambag sa produksiyon, makabagong kaalaman, impormasyon, at makalikha ng trabaho.
  • Sa aspektong politikal, ang pandarayuhan ay nakatutulong upang mapatatag ang ugnayan ng mga bansa. Makikita ito sa mga kasunduang magpapalawig ng oportunidad na makapagpalitan ang mga bansa ng mamamayan.
  • Sa pananaw na panlipunan, ang pandarayuhan ay nakatutulong upang magkaroon ng kaalaman ang mga mamamayan tungkol sa pamumuhay ng mga mamamayan sa ibang mga bansa
  • Sa kultural at panlipunang aspekto, ang pandarayuhan ng mga tao upang makapag-aral at mapagyaman ang kanilang kaalaman at kasanayan ay mga halimbawa ng mabubuting dulot ng pandarayuhan.
  • Ang pandarayuhan ang siyang nagiging tulay ng ugnayan ng mga propesyonal mula sa iba’t ibang panig ng mundo. Ang pagpapalitan ng kaalaman at karanasan ay nagpapalawig at nagpapatibay ng kasanayan ng mga ito.
  • Migration displacement – Tumutukoy sa sapilitang paglipat o paglisan ng isang indibidwal o pamilya mula sa lugar na kanilang tinitirhan patungo sa mas ligtas na lugar o pamayanan dahil sa usaping politikal, suliraning panlipunan, at kalamidad
  • Brain drain – Tumutukoy sa pag-alis ng mga propesyonal sa isang bansa patungo sa ibang bansa upang makapagtrabaho dahil sa mas malaking kita at magandang benepisyo. Ang kakayahan at kasanayan ng mga propesyonal na ito ay napakikinabangan ng mga bansa na kanilang pinupuntahan.
  • Sa pamamagitan naman ng kalakalang galeon ng Manila-Acapulco noong ika-16 na siglo, nagkaroon ng matibay at malalim na ugnayan ang Pilipinas at ang Europa dahil nagsisilbi itong daan at transportasyon hindi lamang ng kalakal kundi pati ng mga tao (Lutz 2012).