Sa makabagong panahon, muling binuksan ng Pilipinas noong 1968 ang usapin sa pag-angkin ng Sabah sa pamamagitan ng Republic Act 5446 o An Act to Define the Baselines of the Territorial Sea of the Philippines na kilala rin bilang baseline law. Batay sa pagsukat na nakasaad sa batas na ito, itinuturing ang Sabah na kasama sa teritoryo ng Pilipinas. Ngunit noong 1977, isinuko ng dating Pangulong Marcos ang pag-angkin sa Sabah ayon na rin sa kahilingan ng Malaysia.