Sa pangkalahatan, alinsunod sa itinadhana ng Saligang Batas Republic Act no. 9522, at UNCLOS, ang kabuoang pambansang teritoryo ng Pilipinas ay umaabot sa 1,788,000 kilometro kuwadrado (520,170 sq nautical miles) kung saan ang approximate ratio ng tubig sa lupa ay nasa 5:1. 300,000 kilometro ang pinagsasama-samang laki ng kalupaan dito.