proseso ng pag-aayos, pagkuha, at pag-unawa ng anumang uri at anyo ng impormasyon o ideya na kinakatawan ng mga salita o simbolo na kailangang tingnan at suriin upang mauunawaan.
Maituturing na 90 porsiyento ng ating kaalaman ay mula sa ating binasa.
Anderson 1985
“Ang pagbasa ay isang proseso ng pagbuo ng kahulugan mula sa mga nakasulat na kahulugan”
Lord Chesterfield
“Be more, Read more. The man who reads is the man who leads”
“Malawakang pagbabasa ay makapagbubukas ng daan sa lahat ng karunungan at disiplina tulad ng agham, panlipunan, isyensiya, sipnayan, pilosopiya
Austero, et al, 1999
“Paraan din ito ng pagkilala, paggpapakahulugan at pagtaya sa mga simbolong nakalimbag.”
Goodman, 2000
“Ang pagbasa ay isang psycholinguistic guessing game. “Sikolohiya at lingwestika”
William Gray 2001
“Ang pagbasa ay isang gawaing pangkaisipan at ang gawaing ito ay inilalarawan”
HAKBANG SA PAGBABASA
persepsyon, komprehensyon, reaksyon, asimilasyon
Ano ang sinabi ni Bernales (2001) tungkol sa pagbasa?
Ito ay pagsusuri sa gramatikal, panandang diskurso at iba pang Mdetalye sa estruktura para maunawaan ang literal na kahulugan, implikasyon, at retorikal na ugnayan ng isang sulatin. (Brown, 1994)
Detalyadong pagsusuri ng isang teksto sa pamamagitan ng pagbibigay ng gabay ng isang guro kung paano ito suriin. Madalas na tinatawag itong "narrow reading". (Long & Richards, 1987)
Ekstensibong Pagbasa
Ito ay isinasagawa para makakuha ng pangkalahatang pag-unawa sa maramihang bilang ng teksto. (Schmidt & Richards, 1987)
Isang mambabasa ay nagbabasa ng maramihang babasahin na ayon sa kaniyang interes. Ang layunin ng mambabasa ay makuha lamang ang "gist". (Long & Richards, 1995).
Bottom-up (tradisyonal na pananaw na mula sa teoryang behaviorism)
nagsisimula ang karunungan sa tekstong binasa (bottom) patungo sa taong nagbabasa (up)
tinatawag ding “data-driven / outside-in”
nilalaman ng teksto ay pinapaniwalaan natin (mababang paaralan
Top-down (hango sa teoryang kognitib/kognitibo)
ang tagabasa ay isang aktibong partisipant na dati nang may taglay na kaalaman
tinatawag ding “inside-out / conceptually-driven”
nagsisimula sa taglay nang karunungan na nailalapat sa tekstong binasa
maysarili ka nang karunungan at maaaring hindi mo na paniniwalaan ang teksto (haeskul)
interaktib
ayon sa teoryang ito, ang teksto ay kumakatawan sa wika at kaisipan ng awtor at sa pag-unawa nito. Ang mambabasa ay gumagamit ng kaniyang kaalaman sa wika at mga sariling konsepto o kaisipan.
dito nagaganap ang interaksyong awtor-mambabasa at mambabasa-awtor. Ang interaksyon kung gayon, ay may dalawang direksyon o bi-directional.
hindi kaagad tayo naniniwala sa isinusulat ng may-akda (bakgrawnd tsek)
iksema
Bawat bagong impormasyong nakukuha sa pagbasa ay naidaragdag sa dati nang iskima, ayon sa teoryang ito
mambabasa ay nagiging mananaliksik at manunulat
lihitimong datos at impormasyon
pagkakasalungat ng mambabasa, pananaliksik, at teksto.
pagsusulat ng sanaysay
salungat sa iyong isipan, teksto, nakikita, nababasa, at nasusulat
Pisyolohikal na aspeto ng Pagbabasa
Fixation
Interfixation
Return Sweeps
Regression
Fixation
pagtitig ng ating mga mata upang kilalanin at intindihin ang tekstong
Interfixation
paggalaw ng ating mga mata mula kaliwa pakanan o mula itaas pababa na karaniwang nangyayari habang tayo’y nagbabasa.
Return Sweeps
paggalaw ng mga mata mula simula hanggang sa dulo ng teksto
Regression
paggalaw ng mata kapag kailangang balik balikan at suriin ang ating binabasa.
Antas ng Pagbasa
Primarya
Mapagsiyasat
Analitikal
Sintopikal
Limang hakbang Tungo sa sintopikal na Pagbasa
Pagsisiyasat
Asimilasyon
Mga Tanong
Mga Isyu
Kumbersasyon
Primarya
Ito ang pinakamababang antas ng pagbasa at pantulong para makamit ang literasi sa pagbasa. Ito ay tumutukoy sa tiyak na datos at espesipikong impormasyon gaya ng petsa, setting o lugar, at mga tauhan sa isang teksto.
Hal.: Sa pagbasa ng maikling kwento, natutukoy ng mambabasa kung sino ang mga tauhan, katangian nila, setting at ang pangyayari sa kwento.
Mapagsiyasat
Dito nauunawaan na ng mambabasa ang kabuuangteksto at nakakapagbigay ng mga hinuha o impresyon. Nagbibigay ng mabilisan pero makabuluhang paunang rebyu sa isang teksto nang mas malalim.
Maaring gamitin ang skimming sa antas na ito.
Analitikal
Dito ginagamit ang mapanuri o kritikal na pag-iisip para malalimang maunawaan ang kahulugan ng teksto at ang layunin o perspektibo ng manunulat.
Bahagi ng antas na ito ang pagtatasa sa katumpakan, kaangkupan, kung katotohanan o opinyon ang nilalaman ng teksto.
Sintopikal
Tumutukoy ito sa pagsusuri na kinapapalooban ng paghahambing sa iba't ibang teksto at akda na kadalasang magkakaugnay. Nakabubuo ng sariling perspektiba o pananaw sa isang tiyak na paksa.
Pagsisiyasat
Kailangang tukuyin agad a.ng lahat ng mahahalagangakda hinggil sa isang paksang nais mong pag-aralan.
Kailangan tukuyin kung ano ang mahahalagang bahagi na may kinalaman sa pokus ng iyong pag-aaral.